February 4, Monday.
"Payungan mo naman ako!" Hinawakan ako ni Moren sa kamay para iusog sa gawi niya ang payong.
"Bakit kasi hindi ka nagdala ng sa 'yo? Payong ko 'to."
Nababasa ang kanang balikat ko. It wasn't enough for the two of us. Maliit lang ang payong kaya nababasa ang magkabila naming balikat.
"Walang umaangkin ng payong mong floral pa. Iba rin ang taste mo, bulaklakan." Tumawa siya.
Inilayo ko sa kaniya ang payong. It was enough for her to sneer at me. She hit my back and forced my hand to stay still in the middle, sa pagitan ng magkadikit naming mga braso.
"Maayos ang panahon kanina. Kumanta ka kaya nagalit. Umulan tuloy."
She blamed my voice. Maaga pa lang ay nakapundo na. The news warned the people about the typhoon.
"You are not watching news," I said and took the umbrella from her. Sumunod siya sa akin, takot na takot mabasa.
"Pasilong lang, eh! Napakasama talaga ng ugali mo."
Naglalakad kami papuntang waiting shed, naghihintay ng sundo. We're in the last year of high school yet we still depend on our service vehicles.
Baka pagtungtong ko pa ng Senior High ako payagan gamitin ang kotse, tiis-tiis muna kami ngayon.
"Giniginaw na 'ko, tara na maglakad."
"It is tiring to walk, walk alone if you want," reklamo ko.
I will glance at my watch everytime and then to check the time. Nasa waiting shed kami malapit lang sa school. May kalakasan ang ulan. It is strong enough to wet our clothes. Kahit nakasilong kami ni Moren.
We're waiting for Mom to come. Siya ang susundo sa amin ni Moren.
"Maglakad na tayo, Ross. Magdidilim na, oh. Walang kasama sa bahay si Papa."
Sinilip ko ang langit. Galit at puno ang maiitim na ulap, ibig sabihin ay may ibabagsak pa sila.
"Wait, I'll call Mom."
Hindi malayo pero hindi rin malapit ang bahay namin mula sa school. Handa akong maglakad kung sana ay maayos ang panahon at hindi umuulan.
I dialed my Mom's number and waited for her to pick it up. Nakadalawang subok ako bago niya 'yon sagutin.
"Ross, nasa school pa ba kayo?" Mom talked before I could.
"Naghihintay kami ni Moren sa waiting shed," I said.
I always knew I am a bit rude to her pero that's basically the most comfortable thing in my life. Simula noong maghiwalay sila ni Papa at mag-asawa siya ng iba, walang oras na sumaya ako.
They are happy and complete. I felt discarded. Dahil may dumating na bago, naetsapuwera ako.
Siguro kung wala akong mga kaibigan dito, pipiliin kong tumira sa ibang bansa kasama ang ama ko.
"Hindi ko kayo masusundo. Papunta ako ngayon sa school ng kapatid mo. He's alone and–"
Hindi pa siya tapos magsalita ay pinatay ko na ang tawag. Ayaw ko na marinig ang mga susunod niya pang sasabihin.
"Let's go, maglakad na tayo." Tumayo ako.
Nagtataka si Moren kaya natagalan siya bago sumunod sa akin. We shared under a floral, freaking purple umbrella my Mom bought me. Mas gugustuhin ko pang mabasa kesa gamitin ang payong na 'to. But then I have Moren, people will think it's hers. Kahit mas mahirap iyong paniwalaan dahil ayaw niya ng bulaklak.
"Leptospirosis, here we go." Itinaas ng babae ang palda niya. May baha kaming kailangang daanan bago marating ang huling kanto pauwi.
"Paano ako?"
"Itaas mo ang pantalon mo. Hanggang tuhod mo lang 'yan."
"Ang dumi ng tubig," ani ko.
"Ang arte mo, naliligo ka nga sa kanal nung bata ka."
"Excuse me?" Malinaw ang alaala ko at wala akong naaalalang naligo ako sa kanal.
I hate to do it but I have to anyway. Itinupi ko ang pantalon hanggang tuhod. Lumusong kami ng baha habang sinasagupa ang malakas na hangin.
Tinangay ng hangin ang payong, like a skeleton that has been smashed, bumaliktad ang payong at naputol ang mga bakal no'n. Sa halip na mainis sa nangyari ay tumawa si Moren.
"Anong nakakatawa? Wala na tayong payong."
"Hayaan mo na, basa na rin naman tayo. Itapon mo na 'yan." Inilabas niya mula sa bag ang isang kapote.
I don't think it's big to cover the both of us. Kung ang payong nga ay maliit para sa amin, kapote pa kaya?
Sira na rin ang payong kaya iniwan ko na sa gilid. Moren covered our heads with her blue raincoat.
"Bilisan mo maglakad," aniya.
"Mapuputikan tayo."
Dahan-dahan kami sa paglalakad para hindi maabot ng maputik na tubig ang pantalon ko at ang nakataas niyang palda nang may magdaang tricycle. Mabilis ang patakbo ng sasakyan. Tumilansik hanggang damit ko ang tubig na may kasama pang putik.
"What a freak!" Huminto ako sa paglakad. Only then, Moren realized what happened.
Pagtawanan ako ang una niyang ginawa. Inabot ng putik ang mukha ko kaya masama ang loob ko.
"Ingat-ingat ka pa, ha. Bagal mo kasi." Ginamit niya ang laylayan ng palda niya para punasan ang baba kong may putik.
"Ibaba mo nga 'yan," sita ko sa kaniya. Hindi porket pakiramdam niya ay lalaki siya, magiging padalos-dalos siya sa ginagawa.
I am pissed from all the dirt on my clothes when Moren purposely ruins her clothes too.
"What are you doing?"
"Parehas na tayong madumi. Huwag ka nang ma-bad trip." She laughed.
Hinitak niya ako para takbuhin ang baha kaya pareho kaming basang-basa nang marating ang dulo.
It was something that makes her happy. Ang mga simpleng bagay na noon naman ay walang epekto sa akin.
I realized all the unfortunate happenings in my life turned into good memories because of her.
She holds the best memories of my life.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...