Ilang araw lang pagkatapos ng field trip namin ay naganap ang final examination for the first semester. Iyon ang tinatawag na saya bago ang hunos. Kung anong isinaya namin sa field trip ay siya naming ikinalupaypay nang sumapit ang tatlong araw ng examination.
Sa halip na maiyak ako sa hirap ng exams ay masaya akong kakain ng Noche Buena dahil wala ng iintindihin. Atleast tapos na. Sa isang taon ko na poproblemahin kung pumasa ba ako o hindi.
We held our Christmas party at the school, year-end party kung tawagin namin para makadalo ang ibang kaklaseng hindi nagdiriwang ng pasko. It was a simple event, section by section.
"Anong gusto mong kulay, Pa? Ito?" I showed him the red polo shirt. "O ito?" Berdeng tshirt ang sunod kong ipinakita.
"Siyempre, pula. Para paskong-pasko ang kulay," masaya niyang sabi.
Pinlantsa ko muna ang pulang damit bago binihisan si Papa. On a daily basis, he only wear shorts dahil hirap akong palitan siya kapag pantalon. Suhestiyon ni Papa ang suotan ko siya ng pantalon kahit ngayon lang.
"Break ka muna sa pagsuot ng diaper, Papa. Umihi ka naman na, kaya ba hanggang mamaya?" I asked him.
"Ako pa ba?"
"Naku lang talaga, Pa. Subukan mong umihi."
Kaming dalawa lang ni Papa kaya hindi na ako nag-abalang bumili ng panghanda ngayong pasko. Inimbitahan kami ni Tita Yen sumalo sa kanila mamayang Noche Buena. Tutulong ako sa pagluluto kaya maaga kong iginayak si Papa.
"Merry Christmas!" si Ross ang nagbukas ng pintuan para sa amin. Isinara niya 'yon nang makita ako. Binuksan para itulak ang wheelchair ni Papa pagkatapos ay isinara ulit.
"Tita! Si Ross nga!" Sumigaw ako mula sa labas. Idinikit ko ang pisngi ko sa bintana, nangungusap kay Tita Yen.
Bumuka ang bibig ni Tita Yen na tila may sinasabi kay Ross. Himala! Ngayon ko lang nakitang magka-ayos si Ross at ang Mommy niya. Spirit of Christmas, I guess.
Pinagbuksan ako ni Ross ng pintuan. "Ang aga naman ni Santa Claus," pang-aasar niya.
Inabot ko ang buhok niya at sinabunutan. "Matatapos na lang ang taon, hindi ka pa rin nagbabago."
"Hi, Moren. Merry Christmas," si Flynn. Nilahadan niya ako ng Christmas hat na suot nilang lahat. Mayroon na rin si Papa sa ulo niya.
Si Ross ang kumuha no'n mula sa kapatid, galit pa. Humarap siya sa akin at sinipat ang ulo ko. Inayos niya ang buhok ko at ikinubli sa tenga. "Don't tie your hair again, bagay sa 'yo ang ganiyan."
"At dahil sinabi mo, magtatali na ako ulit," ani ko. "Merry Christmas, Tita!" Iniwan ko si Ross. Pinuntahan ko si Tita Yen sa kusina na abala sa paghihiwa ng mga rekados.
"Merry Christmas, Moren."
"Si Tito po?" Luminga-linga ako sa paligid. Ang sabi kasi ni Ross ay uuwi si Tito para makasama sila ngayon.
"Nagpapahinga pa, kararating lang," ani Tita. "He'll be here later."
Puno ng dekorasyon ang bahay nila Ross, maririnig mo rin ang mga kapitbahay na maging abala sa kaniya-kaniyang bahay.
Tumulong kaming mga bata kay Tita. Kami ang tagatusok ng stick sa karne. Si Flynn ay pinapabaga na sa labas ang iihawan namin ng barbeque. Si Papa naman ay nakikigulo kay Tita. He's wrapping the lumpia. Iinggitin ko si Ace mamaya.
Dinala namin ni Ross ang barbeque sa labas kung saan naroon si Flynn.
"Baka ngawit ka na, ako naman." Kinuha ko sa kaniya ang pamaypay at ipinagpatuloy ang pagbabaga.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...