"Wala na po bang bababa?"
"Sakay po, Ma'am?"
Sumisigaw ang konduktor para magising ang ibang pasahero na nakatulugan ang biyahe. Pagod ang mga mata ko ngunit hindi ako natulog sa takot na makalampas ako sa bababaan.
"Uusad na, oh. Uusad na, wala na bang bababa?"
Ako ang huling pasahero na bumaba mula sa bus bago isara ng konduktor ang pintuan. Nagkalat ang tao sa terminal. Isinuot ko ang mask para protektahan ang ilong sa itim na usok na ibinubuga ng mga sasakyan.
Pumunta ako sa sakayan ng jeep, huli kong sakay para makarating sa bahay. May batang humabol sa akin para magbenta ng sampaguita. Bumili ako ng isa dahil hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako kumukuha.
The whole city is busy. The monotonous cycle of life in the urban. Maingay, magulo, mausok, mainit. Linggo kaya marami ang pauwi, malamang dahil may pasok na sa trabaho bukas.
I can't believe it was just half a year. Kalahating taon lang ako napahinga sa matatayog na tindig ng mga establisyimento, pakiramdam ko ay ilang dekada ako sa probinsiya.
Walang nagbago, ganoon pa rin ang pakiramdam ko. El Dorado reminds me a lot of memories, both joy and pain.
Maayos ang plano ko noon. Na uuwi kami ng Batangas ni Papa para umahon dahil higit na mahirap dito sa siyudad. Inisip ko na kung paano kaming magsisimula ng simple at tahimik sa probinsiya.
But things didn't work like I how wanted it to be. Sisirain talaga ng mundo ang plano mo minsan hanggang sa mauwi ka sa wala at mag-isip ng panibago.
Before, my response is to suffer silently, to endure. Mali pala 'yon. Your response should be thinking about what you can do to solve it.
Ang inakala kong makabubuti para sa amin ay trahedya lang ang idinulot. Pero walang magagawa ang pagmumukmok ko sa Batangas. Kaya minabuti kong bumalik na lang ng Maynila para makipagsapalaran.
"Ate, pangkain lang po." Bumuntot sa akin ang isang bata. "Ate, kahit barya lang."
Kumuha ako ng barya sa bulsa at hinulog sa dala niyang baso. Mabilis kong nilakad ang streetside para makasakay sa papaalis na dyip.
"Bayad po." Inabot ko sa babae ang bayad ko. Sumagot ako sa driver nang tanungin niya ako kung saan bababa.
Itinuon ko ang tingin sa labas ng bintana ng dyip. Kawangis ng paglipad ng buhangin dahil sa hangin ang paglipad ng isip ko. Napuno 'yon ng mga bagay na ilang linggo ko nang ikinapupuyat sa gabi.
Pagsisisi na lang ata ang kaya kong maramdaman. I had enough regrets that I wanted to end the life I have right now to start again. Pero hindi katulad ng isang laro, walang retry, walang play again.
Pagkatapos ng aksidente, hindi ko na ulit nakita si Ross. Naglaho ang lalaking nangungulit, ang lalaking handang mawalan para makasama ako. I hate that he's stubborn and hardheaded and I hate him more for loving me unconditionally.
It happened but the truth is it didn't settle to me completely. Nagalit ako kay Tito Josh. I agreed to his plan knowing that all I have to do is to bring Ross to him. Wala naman akong ebidensiya pero masama ang kutob ko sa kaniya.
Whether the accident was part of his plan, hindi no'n mabubura ang katotohanang parte ako ng plano niya. I blamed myself for what happened to Ross.
Hiniling kong sabihan ako ni Tito tungkol sa kalagayan niya. He told me he's suffering from a retrograde amnesia due to the head injury. Iyon lang ang sinabi niya. Then he disappeared. Maybe they already flew back to America with his son.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...