"Makikita pa kaya kitang magladlad ng buhok?"
Pinapanood ako ni Papa mag-ayos ng sarili para sa pagpasok sa eskuwela nang magtanong siya. Itinali ko ang hanggang bewang ko na buhok katulad ng araw-araw ko namang ginagawa.
"Sa panaginip, Pa. Dadalawin kitang hindi nakatali ang buhok ko."
Sa totoo lang ay gusto ko na paputulan ang buhok ko kahit hanggang ibabaw lang ng balikat kung hindi papayag si Papa na magpa-bob cut ako. Ayoko ng mahaba dahil nagmumukha akong birhen kahit ginoo naman ang kilos ko. Ang sagwa kaya tignan.
Pero may isang dahilan kung bakit ilang taon ko na pinapahaba ang buhok ko. Noong nakaraan ay umabot na 'to sa puwitan bago ko pinaputulan.
Ever since my sister died from cancer, nagdo-donate ako ng napahaba at nagupit na buhok sa mga cancer patients. It's as if my tribute to my younger sister.
"Papa, ilalagay ko sa ref 'tong mga pagkain. Para kapag kinulang pa 'yung mga hinanda ko sa mesa, kukuha ka na lang."
Inilagay ko sa mga tupperware ang mga ulam na niluto ko.
"Nandito na ang breakfast, ang lunch, at kung may gagawin kami at mahuli ako ng uwi, may hapunan ka na rin," sabi ko.
Isinalansan ko sa ref ang mga 'yon. Tinakpan ko naman ang nasa lamesa para hindi langgamin.
"Kumain ka naman ba, Moren? Baka tumulak ka na naman na walang laman ang tiyan."
Pabiro kong hinampas ang tiyan ko at ngumiti sa kaniya. "Sogbu-sogbu!"
Isinara ko ang ref at lumapit kay Papa para itulak ang wheelchair niya at alalayang lumipat sa upuan para makapag-umagahan na siya. Kaya naman niya iyon gawin mag-isa pero mahihirapan pa siya.
Paralisado na ang dalawang paa ni Papa. It happened when he was still working at the construction. Nabagsakan ng bakal ang kalahati ng katawan niya kaya hindi na siya makalakad ngayon.
The doctor said it was a miracle that he survived. For me, that was enough reason to be grateful. He's here, alive. Hindi ko masasabing madali dahil ako ang nag-aalaga sa kaniya at gumagawa mag-isa sa bahay.
No one is helping us with the finances. Pero laking pasasalamat ko dahil may naipon si Papa noon na siya naming ginagamit ngayon. Matapos kasing mabaldado ni Papa at mawala ng kapatid ko, iniwan na kami ni Mama. Wala na kaming balita kung nasaan siya ngayon.
I wanted to complain ang get mad but . . . At least I have him and he have me. Sapat na kami para sa isa't-isa.
"Papalitan na pala muna kita ng diaper," sabi ko hindi pa man niya naisusubo ang kutsara.
Nakamot na lang ni Papa ang batok at umiling. Pinalitan ko siya ng diaper pagkatapos hugasan. Nakatingin lang sa akin si Papa na kahit hindi siya magsalita ay nababasa ko ang iniisip niya.
Ilang taon ko na itong ginagawa pero hanggang ngayon, nahihiya pa rin siya.
"Pinalitan mo rin naman ang lampin ko noon, Pa. Ako naman ngayon. Lintik lang ang walang ganti." I enacted the famous movie line.
"Napakasuwerte talaga ng Papa mo sa 'yo, Alfredalae."
"Pa! Moren nga, eh. Moren."
"Bakit? Ayaw mo ba iyong Freda? Lae? Maganda naman 'yon."
Suminghap ako. "Yon ang problema, Pa. Ayoko ng maganda, dapat pogi." I rubbed my chin using my thumb and my index finger.
Umiling ang ulo niya. "Ipinagdasal kong sana ay kamukha kita. Masyadong masunurin ang Diyos, nasobrahan."
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...