Ihinatid na ako ni Franz sa bahay namin. Sinabi ko kasi sa kaniyang bawal ako magtagal dahil walang kasama si Papa. He dropped by to see Papa as well.
Hiniling kong huwag muna niyang ipaalam sa mga kaibigan na nandito ako. Ihahanda ko muna ang sarili sa mga tanong nila. Dahil sigurado akong interview ang magaganap sa oras na magkita-kita kami. Si Abcd at Ace pa ba?
"Good morning," bati ko kay Papa. Humalik ako sa pisngi niya. Ito ang na-miss ko, 'yung sisimulan ko ang araw na nakikita ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako.
"Magandang umaga, Hillary." Ibang pangalan na naman ang tawag niya sa akin. Sa dami ng pangalan na nabanggit ni Papa ay makapupuno na ako ng isang libro.
Binuksan ko ang kurtina upang papasukin ang bumabating sinag ng araw.
"Nasaan ang panggantsilyo ko rine?" si Papa. Napansin kong na-adapt na niya ang punto ng mga Batangeño. Nasanay kasi siya sa Tagalog kaya kahit tubong Batangas ay walang punto si Papa. Ngayon, halatang-halata na 'yon.
"Ito po." Ibinigay ko sa kaniya ang mga yarn. Tinulak ko ang wheelchair ni Papa sa tabi ng bintana para may liwanag siya. Ipaaayos ko pa lang kasi ang linya ng kuryente namin. Kung hindi ngayon ay baka bukas.
Habang abala si Papa sa paggagantsilyo ay nagluto ako ng umagahan namin. Pakiramdam ko ay disiotso anyos pa rin ako, naghahanda ng kakainin ni Papa bago pumasok sa eskuwela. Pero iba na ngayon. Malungkot akong natawa sa naisip.
Walang Ross na sisigaw dahil late na kami.
Kumain kami ni Papa. Sa hapag ay tatlong pangalan ang nabanggit niya. Olivia, Gina, Loreta. Hindi man lang naligaw ang kahit anong parte ng pangalan ko. Pero ang makita siyang okay at walang iniinda ay ayos na.
Balik sa paggagantsilyo si Papa pagkatapos namin kumain. Ako naman ay naglinis ng paunti-unti sa kusina. Iisa lang ang laman ng isip ko habang gumagawa. Walang iba kung hindi ang tanong na iniwan sa akin ni Franz kanina.
Kung minsan tuloy ay hihinto ako para bumuntong-hininga. Nagpahinga ako sa sala. Pinanood ko si Papa sa ginagawa niya. He's so focus, malinaw pa ang mg mata niya. Nakakatuwa dahil hindi nasasaktan ang daliri niya.
I took my old guitar. Ilang taon na rin akong hindi tumutugtog. "Kaya ko pa kaya?"
Maalikabok na 'yon. Kinuha ko ang basahan para linisin ang lumang gamit. Itinono ko iyon bago simulang tumugtog. I smiled at the first strum.
"When I was younger, I saw my daddy cry, and curse at the wind. He broke his own heart and I watched as he tried to reassemble it."
Kapag mahal mo siguro ang isang bagay kahit gaano ka katagal na hintong gawin 'yon, alam na alam mo pa rin, kabisadong-kabisado pa rin.
Like when someone you love was gone for years and you still remember him all well. His favorite song, his favorite weather, what he hates or what comforts him, the way he smiles, and how he wipes his tears.
Katulad ng musika. Magbago man ang panahon at bugso ng alon, mananatiling pareho ang ritmo nito.
"And my momma swore. That she would never let herself forget. And that was the day that I promised, I'd never sing of love if it does not exist."
I didn't believe in love. It's something that people talk about all the time. For me, it is exaggerated. Sa palabas, sa kuwento o pelikula. Doon mo lang ito makikita pero hindi sa totoong mundo.
Ilan na bang mag-asawa ang naghiwalay? Ilang anak ang nahihirapan sa sitwasyon ng magulang dahil may iba ng pamilya? How many people got their hearts broken by wrong people?
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...