The rain only became heavier as the surrounding got dimmer. Higit sa apat na oras na kaming naglalayag sa dagat. Natatanaw ko na ang coastline mula sa kinaroroonan namin.
Madilim ang paligid. Sinalamin ng tubig ang kulay ng galit na langit. Higit na nakakatakot ang ugong ng paligid. Pakiramdam ko tuloy ano mang oras ay tataob ang bangkang sinasakyan namin.
"Kuya Raul, kung bumalik na lang po kaya tayo?"
"Mahihirapan tayo kung ngayon pa tayo babalik. Mas malapit na tayo sa karatig na isla. Makabubuti kung makakadaong tayo roon bago kumagat nang tuluyan ang dilim."
"Doon po ba tayo magpapalipas ng gabi?"
"Hindi ba't iyon naman ang plano ninyo?"
Inilingan ko ang tanong niya. "Balikan lang po sana."
"Akala ko'y si Sir Cervantes ang nagsuhestiyong matulog sa isla. Si Madame Vida kasi ay nagpadala ng mga gamit."
Desisyon naman pala si Ma'am Vida. Kung sabagay, mabuti na rin at nagpadala siya ng mga gamit. Lalo pa ngayong mukhang wala kaming choice dahil masama ang panahon.
Nakatulog si Ross sa balikat ko. Matindi ang panginginig niya kanina. Sabi niya, ganoon daw siya kapag umuulan. Natatakot, nasasaktan, nangungulila sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Marahil takot ang nag-uudyok sa akin taliwasin ang hiling niya. Gusto niyang makaalala, gusto ko siyang makalimot.
Kailangan lang namin makabalik ng Isla Hermoso. Kapag umalis na siya at bumalik sa Amerika para magsimula ng pamilya sa iba, makikita niyang hindi na niya kailangan ang nakaraan. I just have to be with him while he's still here.
Sa susunod, titingalain ko na lang ang paglipad niya.
"Miah," mahina kong usal.
Narating namin ang isla, sakto lang para sa kabilugan ng buwan. Iniwan itong mag-isa ng mga bituin. Dahil sa ulan ay malinis ang kalangitan.
Marahan kong tinapik ang pisngi ni Ross nang hindi siya magising. Dumaong na ang bangka namin sa baybayin.
"Nandito na tayo," mas malakas kong sabi.
Inaantok pang nagdilat ng mata ang lalaki. Sandali siyang natitig sa akin bago manlaki ang mga mata. Bago ang pagkahulog ko sa kinauupuan dahil itinulak niya ako.
"Crap," he cursed. "Sorry."
Hawak ang balakang ay tinignan ko siya nang masama. Sinilip ako ni Kuya Raul habang tumatawa.
"Ganiyan ka ba magpasalamat? Nginawit mo na nga ako, pinilayan mo pa. 'Yung two thousand kong buto last time, two million na ngayon," eksaherado kong sabi.
"Your face surprised me. Sorry." He offered his hand but I'm too annoyed to take it.
Hinampas ko ang kamay niya at tumayo mag-isa. Hinilot ko ang balakang habang pababa ng bangka.
The rain has stopped. Animo'y may alitan ang alon at buhangin. Humahampas ito, lilisan, ngunit muling babalik.
"Parang girlfriend na tinotoyo 'yung tubig," natatawa kong usal dahil sa reyalisasyon.
"Ano?" usyoso ni Ross.
"Wala, hindi kita kausap." Masama pa rin ang loob ko sa pagkakabagsak.
After leaving the boat, Kuya Raul anchored it to the sand to keep the boat in place. Pumunta kami ni Ross sa buhanging hindi na naabot ng tubig.
"Anong gagawin mo ngayon dito?"
Palinga-linga ang lalaki sa paligid, may hinahanap. "Ito na 'yon?" I can say he's disappointed.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...