"Salamat, Yen."
Maaliwalas ang mukha ni Papa habang nakikipag-usap kay Tita Yen. Nakakapit ako sa hita niya suot ang maliit na bag. Sinisilip ako ng babaeng matamis ang ngiti sa akin, inaalo.
"Ako na ang bahala kay Moren. Mabait ang anak mo kaya wala kang dapat na ipag-alala. Iyon nga lang, nakuha ang pagiging daldalin mo."
Sinabayan ni Papa ang pagtawa ni Tita Yen. My father wear faces everytime he talks to people. Bawat tao, iba-iba ang nababasa ko sa mukha at galaw ng labi niya, o ang sinusulat na tula ng mga tubig sa mata niya.
But when it comes to her, it's always the jubilant one. His irises tells a poem just as special as her. Kaya mataas ang pagtingin ko sa pagkakaibigan nila. Pinaglipasan na ng panahon ang lumang litrato nila pero naalagaan nila ang relasyon.
"Dadaanan ko siya mamaya. Baka mga alas-sais na ng gabi ako makauwi."
Kabisado ko na ang script ni Papa. Pitong araw sa isang linggo ay aalis siya ng bahay para magtrabaho. Kung kaya't ako lang ang maiiwan kung hindi niya ako ibibilin kay Tita.
Nagmistulang tahanan na ng Mama ko at ng nakababatang kapatid ang ospital. May kanser ang kapatid ko. Pero sa murang edad, hindi ko pa 'yon naiintindihan.
Ang alam ko lang ay may sakit siya, nagpapalakas at kalaunan ay uuwi.
"Walang problema. Nariyan naman si Ross. May makakalaro siya. They look happy together, parehong masigasig."
Mahinang natawa si Papa. Sinulyapan niya ako. "Oo nga, parang tayo lang noon."
Sikretong sumama ang mukha ko. Natanaw kong pababa na ng hagdan si Jeremiah, Ross kung tawagin ng lahat. Anak siya ni Tita Yen sa dating asawa. At simula pagkabata, nagkikita na kami dahil malalim ang ugnayan ng mga magulang namin.
It was fine before. I just have to deal with him every occasion our family will celebrate together. Nagkabuhol-buhol lang ang sinulid ng buhay ko nang magsimula ang taon na ito at kailangan ko siyang makasama labindalawang oras sa isang araw.
Inirapan ko ang lalaki sa kubli ng hita ni Papa. Iniamba niya sa akin ang hawak na eroplanong laruan. Inilabas ko naman ang dila ko para asarin siya.
"Eto na pala si Ross. Come here, anak. Magmano ka sa Tito mo."
Halatang napilitan siyang sundin si Tita. Nagmano siya kay Papa. Ginulo ng kamay ni Papa ang buhok niyang dinaig pa ang pugad ng ibon.
Nagpataliman kami ng tingin sa isat-isa nang utusan ako ni Papa. "Bigyan mo si Ross ng candy na binili natin, Moren."
Niyakap ko ang isang bag ng candies. Sa isip-isip ko ay binili sa akin ni Papa iyon, para sa akin lang lahat.
"Moren, huwag madamot."
Dahil wala akong choice ay binigyan ko ng isang candy ang batang tiyanak, pinakamaliit at may kagat.
"See? They're good friends." Ngumiti si Tita kay Papa.
We're not good friends, not even close to friends.
We were enemies. Pula at puti. Aso at pusa. Langit at lupa.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya.
"Airplane, binili sa 'kin ni Mommy." Mayabang ang boses niya. Tumatakbo siya sa paikot sa bahay nila habang nakataas ang kamay at hawak ang laruan.
May mga laruan pa siya kaya kinuha ko ang isa para tignan. Itinaas ko 'yon. "Sa 'yo rin ba 'to?"
Lumingon siya sa akin. At nang makitang hawak ko ang laruan niya ay bumagsak ang kamay niya sa lebel ng hita. Nagsalubong ang dalawang kilay nito.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...