"Freda!"
Dinedma ko ang sinabi ni Ross at lumingon sa direksiyon kung saan nanggaling ang isang sigaw.
I knew it was Ben before seeing him. Kilala ko na ang boses niya. Nginitian ko ang lalaki sa kabilang kayak. Sa likuran niya ay ang isang amerikanong babae at lalaki.
"Nakiki-tatlong gulong ka na naman," sigaw ko. Sinabi ko 'yon dahil hindi naman maiintindihan ng mga kasama niya.
"Kaya nga, palagi na lang. Buti pa ikaw may date!"
"Siraulo ka!" I yelled back. Lumayo na ang kayak nila kaya bumalik ang tingin ko sa kasama. "Sorry po, Sir. Palabiro lang talaga 'yon."
I wish he won't notice that I'm shifting the topic. Nanahimik ang lalaki. Kumilos na ulit ako para umusad ang kayak ngunit nakapako pa rin ang tingin niya sa akin. Kabado akong nagnanakaw ng sulyap sa kaniya.
"Sir, s-saan niyo po gusto pumunta?" Pinukaw ko ang atensiyon niya.
He softly moved his head before massaging his temples. Kumurap-kurap ito at bumuntong hininga.
"Let's go back to the resort." Patuloy niyang minasahe ang sentido, nakayuko na ngayon.
Nag-alala ako. Dinoble ko ang bilis para makarating kami sa dalampasigan. He's looking pale when we reached the shore. Sinundan ko siya nang maglakad ito pabalik sa hotel. He halted from walking to face me.
"Magpapahinga na 'ko sa hotel. I'll eat my dinner there," aniya.
Nakatalikod na siya nang tumango ako kaya hindi niya nakita. I worriedly escorted him to the hotel without him knowing.
Hapon na naman. Kaya ang puno ng taong dalampasigan kanina ay unti-unting naging bakante. Sinindihan na ang mga ilaw sa paligid para maghanda sa pagkagat ng dilim.
Kinita ko sila Fritz sandali para sumabay na kumain ng early dinner. Naisip kong maaga pa para dalhan si Ross ng pagkain kaya bumalik muna ako sa hotel namin para magpahinga.
Mahaba ang araw na 'to. Wala pa kaming dalawampu't apat na oras na magkasama pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas. Pagod ang nag-udyok sa aking umidlip.
Nagising lang ako nang may kumatok sa pintuan ko. Nayayamot na si Ma'am Vida ang sumurpresa sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Inayos ko ang sarili at pinagaan ang mukha.
"Good evening, Ma'am," bati ko.
"Bakit ang tagal mo akong pagbuksan? Hindi pa tapos ang working hours niyo, natutulog ka na ata?"
Umiling ako. "Nasa banyo po kasi ako, Ma'am. Hindi rinig sa loob 'yung katok niyo."
She looked at me from head to toe. "I need to talk to you." Pumitik ang leeg niya, pinasusunod ako.
"Magbibihis lang po ako, Ma'am."
"Bilisan mo kumilos," malakas niyang utos.
Sa takot kong magtagal ay pang-itaas na lang ang pinalitan ko. Nagsuklay ako at nagpabango bago pumunta sa dalampasigan kung saan naroon si Ma'am Vida.
May hawak na flyer si Ma'am Vida. Maliit na papel na naglalaman ng mga maaaring gawing activities dito sa isla. Mukhang nahihimigan ko na kung ano ang sasabihin niya.
"How was the first day of Captain Cervantes here?" tanong niya.
"I think he enjoyed his first day, Ma'am. Wala naman pong hindi kaaya-ayang nangyari."
"Talaga lang, ha. Ano itong sinabi sa akin ni Ariel na nagwala ang kabayong sinasakyan niya kanina?" Pumamuwang ang babae.
Hinaplos ng kanang kamay ko ang braso. Mahina at kabado akong natawa. "Si Petro po kasi, nagwala nga po."
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...