Special Chapter

77.7K 2.6K 1.8K
                                    

R-18

"Oh, shit!"

Umawang ang labi ko sa pagkayamot nang mabitawan ko ang lipstick. It stained my white dress before touching the floor. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin.

Wala na, ang pangit na ng damit ko!

I grimaced after seeing myself in a mess. Lagpas-lagpas pa ang kolorete ko sa labi at nanghihimutok iyon sa pula.

"Para naman akong nakipagrambulan," ani ko sa sarili.

Kumuha ako ng tissue para alisin 'yon. It must be a nightmare, I thought, when my lips remained apple red even after a few wipes. Nanlalaki ang mga mata kong kinuha ang kahon ng lipstick. Hindi nagawang kumurap ng mata ko nang mabasang Water proof 'yon!

I am messed it up. Sinong tanga ang hindi nagbabasa ng label bago gamitin? Para tuloy akong mascot sa McDonalds!

Sumuko na ako sa pagpapalis ng labi dahil pakiramdam ko ay mas lalo lamang iyong pumupula, habang tumatagal ay humahapdi na rin sa pakiramdam.

Lumabas ako ng restroom na nakabusangot ang mukha para silipin kung madilim na ba sa labas. May kumatok sa pintuan ng kuwarto kaya itinapis ko sa damit ang tuwalya para itago ang mantsa. I hid my lips inside my mouth before opening the door.

"Good evening, Ma'am. Natutulog na po si Sir," anang maid sa akin.

I glanced at my watch. Maagang nakatulog si Papa ngayon. Gusto kong itanong kung naubos ba nito ang pagkain ngunit nahihiya akong makita niya ang labi kong dinaig pa ang mansanas ni Snow White sa pula.

Nakangiti akong tumango. Gumuhit ng linya ang noo ng babae. "Ma'am, okay lang po kayo?"

Tumango akong muli, mata ang pinangingiti. Binigyan ko siya ng thumbs up at itinalikod sa akin. Nagugulumihanang tumawa ang babae nang magpeke ako ng tawa habang pinapaalis siya sa tapat ng pintuan ko.

"G-Good night po, Ma'am." Lumingon ito sa akin.

Ngiti at tango lang ang isinukli ko sa kaniya, ang labi'y nakatago pa rin. Naglakad na ito palayo at isasara ko na ang pintuan nang humarap siyang muli sa akin.

"Ngayon po uuwi si Kap, Ma'am?" she asked.

Kumurap ako at nahihiyang tumango. Nakakaloko ang ngiti niya. "Sige po, Ma'am. Good luck." Isinarado niya pa ang kamay at ipinakita sa akin ang kamao.

Nag-init ang mukha ko. Lalo pa at palingon-lingon siya sa akin suot ang makahulugang ngisi.

"Kung sisantihin ko kaya siya?" singhal ko nang makaalis na ang babae.

Bumalik ako sa loob. Binuksan ko ang wardrobe para humanap ng pamalit sa puti kong bestida. Ito ang unang beses na hindi ako pinuwersang magsuot ng dress, minalas pa. Saka ito na ang pinakadisente sa lahat ng pinadala sa 'kin ni Agusta at Fritz.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahanger na damit. Ang ninipis at ang iikli. Hindi ko pa gusto ang mga kulay. Kung hindi kumikinang o satin ang tela ay see through ang mga bestida.

Ibinagsak ko sa kama ang mga damit. Kinamot ko ang ulo at humalikipkip.

"Anong tatakpan nito sa 'kin?" Kinuha ko ang isa at itinaas. "Sabagay, huhubarin din naman ni Ross sa 'kin 'to."

Natuyo ang lalamunan ko nang mapuno ng kung ano-anong ideya ang isip ko. "Ano ba, Moren? Grabe, ikinahihiya kita."

Wala naman akong choice kung hindi magpalit kaya nag-eeny, meeny, miny, moe na lang ako. Sa huli, iyong asul na manipis at satin nightdress ang isinuot ko. Hindi iyon aabot ng tuhod at mistulang kinulang ang tela sa likuran dahil exposed ang balat ko.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now