Chapter 32

47.5K 1.7K 840
                                    

I never thought that only two words will break my shattered pieces more. I took a short time to collect myself before finally deciding to take a painful step. Step after step, I left him behind me.

Naramdaman kong hindi na siya sumusunod nang matahimik ang paligid. The raindrops on the sand is the only noise that's reminding me this isn't a nightmare. Tumakbo ako nang tumakbo. Kahit nakayapak, kahit masugatan ang paa ng basag na mga kabibe.

The only thing my mind keep telling me is to run and distance myself from him. At nang marating ko na ang dalampasigan at walang Ross na nakasunod sa akin ay nag-alala lamang ako. But I'm too coward to go back or at least to look back and see him broken. Duwag akong harapin siya at ang mga tanong niya. That the only I could survive is to escape.

"Freda! Mabuti at–"

Nilagpasan ko si Kuya Raul nang masaya niya akong salubungin. May balabal ito sa ulo bilang proteksiyon sa matatalim na palaso ng tubig. Hinanap ko ang mga tent namin.

Akala ko'y nasa maling bahagi kami ng isla. Wala ni isa sa mga tolda ang nakatayo pa. Nakadaong sa tabi ng bangka ni Kuya Raul ang mas malaki pang bangka. Naroon ang isang lalaki, kasamahang bangkero ni Kuya Raul.

Nginitian ako ng bangkerong nag-aayos na ng mga gamit. Sinulyapan ko lamang siya at nagtungo sa maliit na deck boat.

"Freda? Bakit hindi mo kasama si Sir? Nasaan si Captain Cervantes?" tanong ni Kuya mula sa likuran.

Iling lang ang naisagot ko sa kaniya habang humihikbi. Pinakawalan ko ang bangka niya sa dagat. Nagtataka si Kuya Raul, ni hindi niya ako nagawang pigilan. Gulong-gulo ito sa nangyayari.

"Freda! Saan ka paroroon? Bumaba ka riyan at delikado. Malakas ang ulan!"

Huli na ang lahat para mapigilan niya ako. Pinaandar ko ang bangka at naunang umalis sa kanila. I can still hear his yell after facing few waves. It was scary.

Nilingon ko sila nang bahagyang makalayo. Kumakayaw ang dalawang lalaki para pabalikin ako ngunit matigas ang ulo ko. Hindi sila makaalis dahil naroon pa si Ross.

Isinantabi ko ang pagkaduwag at niyakap ko ang sariling nanginginig sa takot gamit ang isang kamay.

Magalaw ang bangka. Dahil sa pagsayaw ng alon ay hindi ako mapirmi sa upuan. Hindi ako naturuan kung paanong magmaneho ng deck boat kaya lamang ang kaba sa dibdib ko. Ang alam ko lang ay ayokong bumalik.

I sailed the mad sea while enduring the torture of the sky. Buong paglalayag akong nakipagtalo sa mga alon at sa takot na pinahihirapan akong huminga. Tanaw ko sa likuran ang malaking bangka na lulan ang mga lalaking iniwan ko.

Higit iyong malaki at mabilis. Hindi ko na ipinagtakang naabutan nila ako kahit nauna akong pumalaot.

Ligtas na dumaong ang bangka ko sa dalampasigan ng Isla Hermoso. Malinis ang paligid, wala ni isang tao sa tabing-dagat.

Tinalon ko ang buhanginan ngunit masama ang pagbagsak ko. Hindi ako kaagad nakatayo dahil sa sakit. But when I saw the boat nearing the shore, pinilit kong tumayo para makapunta ng hotel.

I ran to my room with people staring at me. Basang-basa ako, marumi at umiiyak. Nang mapagtanto kong nakasara ang kuwarto at wala sa akin ang susi ay sumigaw ako sa inis.

"Freda? Nakauwi ka na?" si Ben.

Hindi ko siya sinagot at sinipa ang pintuan para buksan 'yon. My strength wasn't enough. Nagtataka man ay inilihis ako ni Ben para sipain ang pintuan ng kuwarto. In two kicks, he was able to open it.

"Bakit ka umiiyak, Freda? Ayos lang ba kayo? Si Mr. Cervantes–"

Sinaraduhan ko siya ng pinto matapos niya akong tulungan. He can open it because it's broken but he chose not to. Kumatok lang ito para may sabihin.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now