Chapter 9

45.8K 1.9K 952
                                    

I love the sea. It's comforting. It's life itself. There's music from the sounds of waves and splashes of water. There is treasure beneath it. In one glance, you wouldn't notice. You have to go deeper.

I'd like to think I'm a sea. But if I'm too deep, is there anyone willing to take the risk and dive in?

Sa Batangas ako ipinanganak, lugar na kinalakihan ni Papa. Malapit kami sa dagat. At noon sa tuwing dadaong ang barko ni Papa galing pangingisda ay yayain niya kami ng kapatid ko maligo sa dagat.

Tuwing bakasyon ay umuuwi kami ng Batangas para magliwaliw. It's beautiful how the sea can witness joy from people, even their sorrow, sometimes their secrets. It's like an ally, it accompanies you.

Maraming itinuro sa akin ang dagat at lumaki akong pinangarap maging katulad nito. Iyong taong masasandalan mo sa tuwing kailangan mo ng kasama. It doesn't matter if it's a happy day or not.

But I wonder who is there for the sea when it needs an ally if people only stay at the shore when they are the ones in need.

The most beautiful thing about the sea and oceans is that they will remain in the same place even if time passes. It's like it's waiting for you. At kahit gaano katagal ka mawala, may babalikan at babalikan ka.

Bumuntong hininga ako at isinara ang photo album. Bumalik lahat ng alaala sa akin habang tinitignan ang mga lumang litrato namin sa Batangas.

"Four years ka na sa heaven, Moris. I miss you." Hinipan ko ang kandilang sinindihan pagkatapos siyang ipagdasal.

Ako lang ang nag-aabalang umalala sa kamatayan ng kapatid ko. Si Papa kasi hanggang ngayon ay hindi pa tanggap. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya. He believes that this day is the day he failed to fulfill his duty as a father. Kaya tuwing ika-siyam ng Agusto ay nagkukulong lang si Papa sa kuwarto.

"Moren!"

Pumitik ang leeg ko sa gawi ng bintana ko nang marinig ang malakas na sigaw. Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Sumampa ako sa kama at hinawi ang kurtinang nakaharang sa bintana para silipin si Ross.

"Gabi na. Anong kailangan nito?"

Nagsuot ako ng jacket sa ibabaw ng shirt ko dahil wala akong suot panloob. Sinindihan ko ang ilaw sa labas dahil papadilim na.

"Moren! I know you're still awake!"

"Sandali!" I yelled back. Nagsuot ako ng tsinelas at lumabas. "Bakit ba? Matutulog na 'yung tao, istorbo ka."

"Who sleeps at six p.m.?"

"Ako." Pinagbuksan ko siya ng gate. "Ano 'yan?"

Ibinigay niya sa akin ang isang malaking plato. Babasagin pa kaya mabigat. "Pinabibigay ng Tita mo."

"Para saan? May birthday ba sa inyo?" Inalala ko pa ang birthday nilang lahat. Nakalimutan ko ba?

He shrugged. "She just asked me to give it."

Tinignan ko ang kakanin. Mukhang masarap at si Tita ang gumawa. "Ibabalik ko na lang 'yung plato bukas kapag nahugasan ko na."

"No problem," aniya. Aalis na sana siya nang animo ay may maalala kaya hinarap akong muli. "By the way, may yellow paper ka?"

"Meron." Tumaas ang kilay ko.

"Can I have three?"

"Pero hindi kita bibigyan." Tumalikod ako para ipasok sa loob ang binigay niya at ikuha siya ng papel.

"Ballpen too, Moren!"

Nasa loob na ako nang sumigaw siya. Estudiyante ba siya? Ballpen at papel lang wala pa.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now