April 6, Wednesday
"If you want to die, do it alone."
Mahigpit ang kapit ko sa bewang niya. She's driving really fast. The rain isn't helping at all.
"Kumapit ka nang mahigpit. Biyaheng langit 'to." Tawang-tawa siya sa ginagawa.
"I'm being serious here, Moren. Slow down."
Higit niyang binilisan ang pagmamaneho kaya halos bumaon ang mga kuko ko sa tiyan niya.
I used to get mad. I used to hate the rain. It reminds me of pain.
But ever since I noticed her, it reminds me of her existence.
Maybe because it always rain when I'm with her? Ngayon, sa tuwing umuulan, gusto ko na lang siyang makasama, makita, at madama.
Huminto kami para sumilong sa tapat ng isang tindahan. Tumutulo ang tubig sa mga damit namin pero hindi iyon alintana.
Hinubad ko ang t-shirt ko. Hindi pa gaanong basa ang sando ko panloob kaya hinubad ko rin. Tinakpan ni Moren ang mata niya.
"You always wanted to see my abs, why can't you look at them now?"
"Kasi nagugutom ako," aniya.
Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. I thought she's serious.
"Naalala ko kasi 'yung buto-buto sa karinderya ni Ate Lane. Grabe, ang lamig pa naman."
Isinuot ko pabalik ang tshirt pagkatapos kong pigain. Nainsulto ako sa sinabi niya.
I used my sando to dry her hair. She let me do that. I squeezed her cheeks using my two palms. Naasar siya. She did the same to me. Inagaw niya sa akin ang damit at tinuyo rin ang buhok ko.
I don't usually let someone touch my hair, but when it comes to her, I think I'm always ready to put my guard down.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...