PROLOGUE

162K 3.1K 2.4K
                                    

Ross

"Isa . . ."

Gumalaw ang kamay ng babae para ituro ang susunod na numero sa maliit na pisara.

"Dalawa . . . Tatlo . . . Apat . . . Lima . . . Anim . . . Pito . . ." Tuloy-tuloy na ang pagbilang ko kasabay ng paglakad ng stick ni Mom sa board.

"Pito?" Mom was already initiating me to say the next number.

"P-Pito . . ."

"Ano ang susunod sa pito, Ross?"

"Pito . . . S-Siyam." Hindi ako sigurado sa numerong binanggit. Kung bakit kailangan ko pang kabisaduhin ang one to ten sa Tagalog gayong Ingles naman ang lengguwahe ng Matematika.

"Pito?" Sinubukan ulit ni Mom na igiya akong itama ang pagkakamali.

"S-Siyam . . ."

"Ross." Nahawakan na nito ang bewang niya sa dismaya. "Pito . . ." My mother's lips remained parted.

"S-Siyam."

She sighed. Nahawakan niya ang noo at tila gusto na sumuko sa sesyon namin ngayong araw.

"Ross, pito . . ." She wouldn't stop until I say the right number. I started to feel frustrated too.

"Siyam," I said, close to crying now. Gusto kong maiyak hindi dahil nakalimutan ko ang susunod sa pito. It was because she wouldn't let me go and play outside if I don't make it to ten.

"Isa pa, Jeremiah!" si Mom. "Pito . . ."

"Si—"

"Walo!"

Nagsalubong ang kilay ko nang may ibang sumigaw ng sagot. I turned around and saw the culprit.

"Moren." Sa unang pagkakataon, ngumiti si Mom. At ang batang babae na 'yon pa ang dahilan.

"Walo ang susunod sa pito, Tita Yen," ulit niya.

"You're right, Moren. Walo nga." Sinalubong siya ni Mom.

Ngumiti ang bata. Walong ipin sa itaas, walong ipin sa ibaba. Walong nunal sa mukha, walong kurap ng mata. Walong segundo ang lumipas, walong tibok ng puso ang nakatakas.

"Mabuti pa ikaw ay marunong na magbilang, si Ross ay hanggang pito lang." Inabot ni Mom ang cotton candy ko sa babae. "Here's your reward."

"Thank you, Tita Yen." She smiled her sweetest yet. I gritted my teeth as my fists clenched.

"A-Akin 'yon, e," nanggagalaiti kong bulong.

Mula noon, hindi ko na nakalimutan ang kasunod ng pito.

Walo. Sa Ingles, Eight.

It took me eight seconds to stand up and near her.
"Mang-aagaw ka." Hahawakan ko na dapat ang buhok niya pero naunahan niya ako. We ended up pulling each other's hair, lugi nga lang siya.

How did our relationship start?

She hated me first. I hated her more.

Eight words.

"Ross! Alas-otso na, bumangon ka na riyan!"

Nagdilat ako ng dalawang mata at ngumiwi. It was the maid who yelled. Funny of me to think it was my mother who only cared for my stepbrother since then.

"I'll have a short bath," I yelled back just in case she was still in front of my door.

Bumuntong hininga ako nang makita kung anong oras pa lang. "Eight, huh. It's freaking six in the morning."

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now