Ross Diary # 3

38.9K 1.5K 25
                                    

March 3, Thursday

She understands me. Even if most people call me immature and selfish, she remained by my side. Kahit alam kong ganoon rin ang tingin niya sa akin minsan, hindi niya ako iniwanan.

"Totoo naman, 'di ba? Why can't you admit it, Mom? Hindi kaya ng pride mo isuko ako noon kaya kinuha mo ako. But you wanted me gone."

"That's not it, Ross," mahinanon na tutol ni Mom.

"Eh ano pala? Bakit mo ako kinuha noon para lang iparamdam sa aking may mas hihigit sa 'kin, huh? Accessory? Remembrance from your ex-husband?"

Si Mommy ang kausap ko at siya ang inaasahan kong tutugon sa akin. A hard punch hit my face. My neck snapped to the side.

"Sumusobra ka na, Ross. Pwede ba, magbago ka na? Mom is doing her best for this family. Can't you see that?"

Suminghal ako. I tasted the blood on the side of my lips. "You will see it. Ikaw ang mahal, eh. Ikaw ang gusto, ikaw ang tama palagi. Ako? I'm the legitimate but unwanted child."

"Ross!" My Mom yelled at me. "Tumigil ka na."

"Mas maayos sana ang buhay ko kung hindi sila dumating. Ako lang ang anak mo, ako lang ang mahal mo." Naiiyak ako sa galit. "Everything started to fuck up when they came."

Sinampal ako ni Mommy. Wala iyong sinabi sa sakit na kinikimkim ko sa nagdaang mga taon. Physical pain don't hurt me anymore.

I held my cheek, looking at her. Natitig siya sa likuran ko, like she saw a ghost.

"S-Sorry po," si Moren. "I-Isasauli ko na, Tita."

Natahimik kami. When I got my senses back, lumabas ako ng bahay para umalis. I walked away from the house. Bahala na kung saan ako makakayang dalhin ng mga paa.

Sinundan ako ni Moren sakay ang motor niya.

"Ross, umuwi ka na raw sabi ni Tita."

"Go home, I want to be alone."

Hindi ako huminto sa paglalakad kahit pa sinasabayan niya ako—even if the clouds are telling me to go back.

"Saan ka ba pupunta? Pagabi na, oh. Tara na umuwi."

"Go home if you want," I said, doubling my pace.

I have no place to go but the pond near our subdivision. Doon ako nagpalamig ng ulo. Binawal kong sumunod si Moren pero matigas talaga ang ulo niya.

She kept her distance from me because I told her I wanted space.

"Go home, Moren. Hinihintay ka na ni Tito."

Nagpakita na ang buwan sa gitna ng makakapal na ulap. The sky looks empty without the stars.

Narinig ko ang paghikab ni Moren. Nakaupo siya sa bench ilang pulgada ang layo sa akin. I am sitting at the huge stone beside the pond.

"Hindi ka pa ba inaantok? Uwi na tayo."

"Mauna ka na," sabi ko.

"Hindi ako uuwi kung maiiwan kang mag-isa rito."

"Tss. Pasaway." I threw the pebble. It hit the surface of the water twice.

May bumato rin mula sa likuran ko, nilamangan ang bilang na tumalon ang akin sa tubig. Dumila si Moren para asarin ako. She accompanied me through my sad hours.

And just like that, it feels alright.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now