Chapter 4

52.1K 2K 611
                                    

Weeks after the party, Ross and Celine have been spending more time together. Achievement iyon para sa amin na mga kaibigan niya.

It was as if finally the sleeping lion was awakened. Matagal na rin ang isang taong pagiging torpe niya. Kung aabot pa iyon ng dalawa, itatakwil ko na siya bilang kaibigan.

Mas nadalas man siyang lumabas kasama si Celine, hindi pa rin nawawalan ng time sa grupo si Ross. Dumaldal lang siya dahil panay ang kuwento niya tungkol sa kanilang dalawa ng crush niya.

"Moren, help yourself. Sabay-sabay na kayong kumain nila Ross," si Tita.

"Congratulations, Yen." Binati ni Papa si Tita.

Ngumiti si Tita sa kaniya. "Salamat, Alfredo. It's good to see you here. Mainam din ang malabas ka kung minsan."

Tita Yen and Papa are old bestfriends. Kaya rin kami nagkakilala ni Ross ay dahil sa relasyong meron sila. Mula bata ay lumaki akong kinikilala si Tita Yen bilang pangalawang Nanay. At ngayong wala na ang inang nagsilang sa akin, siya na lang ang itinuturing kong ina.

"Nababagot na nga ako sa bahay kung minsan," ani Papa.

"We have a lot to talk about, do we?" Mahinang natawa si Tita. Pumunta siya sa likuran ng wheelchair ni Papa para pumalit sa akin. "Go on, Moren. Join Ross and your friends in the dining room. Ako na ang bahala sa Papa mo."

"Kapag may sinabing kalokohan si Papa tungkol sa akin, Tita, huwag kang maniniwala, ha." Ngumuso ako.

"Naisip mo talagang ilalaglag kita sa Tita Yen mo." Kinurot ni Papa ang braso ko.

Tita is promoted kaya mayroon simpleng salo-salo ngayon sa bahay nila. Inimbitahan ni Ross ang buong grupo. Si Ace ay titignan daw kung makakasunod. Sunday kasi ngayon at tuwing huling araw ng linggo, may ginagawa siya sa simbahan.

"What do you want?" Sinalubong ako ng tanong ni Ross hawak ang plato niya at kumakain na.

"Kahit sa handaan, Moren. You're late." Iyon ang bati sa akin ni Adrien.

"Consistency is the key," proud ko pang sabi.

Nasa iisang lamesa ang tatlong lalaki kasama si Flynn. Mabuti at hindi siya naiilang sa mga kaibigan namin.

Ikinuha ako ng plato ni Ross. Tumayo si Flynn para punasan ang upuan sa tabi niya. "You can sit here, Moren."

Umupo ako sa tabi niya. Siya namang pagbalik ni Ross. Hindi niya nagustuhan ang pagtabi ko sa kapatid niya. Ibinaba niya ang plato sa lamesa at binuhat ang upuan habang naroon ako. Childish!

"Kumain ka ng gusto mo," aniya. Sinamaan niya ng tingin si Flynn na pailing-iling ang ulo.

Pasaring kong tinignan ni Ross. Mukha siyang bata. Immature pa rin kaya hindi sila nagkakasundo ni Flynn.

But I understand him. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil wala akong alam sa nararamdaman niya. He never liked the idea of me being close to his stepbrother o kahit sino pang malapit sa kaniya. Ayaw niyang ipinakikilala sa kapatid.

Sinabi niya 'yon sa akin. He's afraid he's gonna take everything from him.

"Will Ace go here?" tanong ni Franz.

"Susunod daw. Nasa simbahan pa 'yon ngayon," ani Ross.

Tahimik lang akong kumakain habang simpleng pinapanood ang mga bisita ni Tita sa labas. Ipinakilala niya si Papa sa mga katrabaho niya. Naroon ang galak sa mukha ni Papa. I don't remember when was the last time he talked to different people. Nahihiya kasi siya dahil sa sitwasyon niya.

Fathers. They are envisioned to be the strongest foundation of the family. Bilang isang ama, alam kong natatapakan ang pride niya sa tuwing makikita ang katotohanan ng sitwasyon niya.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now