"Ano ito?!"
Kalahati lang ng sulat ko ang binasa ni Ma'am Vida.
"Good morning, Ma'am Vida. I am requesting a one-month leave of absence to handle a personal situation." Binasa ng babae ang letter ko.
Nagtinginan sa akin ang mga kasamahan na pinangungunahan ni Fritz at Agusta.
Nakayuko ako sa harapan ni Ma'am Vida, ang mga kamay ay magkasiklop kapantay ng hita. Kinagat ko ang labi sa nahimigang pagkairita sa kaniya.
"M-May kinakaharap lang po akong personal na problema, Ma'am."
I lied. I know it is not my reason. Isa lang naman ang dahilan kung bakit bigla ko naisipang umalis muna rito.
After my short conversation with Ross yesterday, naubos ko ang lakas na unti-unti ko sanang ginagamit sa araw-araw na kasama ko siya.
Upon seeing how my greedy decision have ruined the identity he built for years, hindi ko alam kung paano akong haharap sa kaniya. I will look at him and the only thing I would feel is guilt. Nothing but guilt.
Wala siyang sinabi kung hanggang kailan siya rito. He might leave soon or he might not. But I can't stay with him anymore. Hindi ko na kayang umakto na parang wala akong kasalanan sa kaniya. Na parang hindi ako ang dahilan kung bakit hindi niya kilala kung sino siya.
"Please, Ma'am Vida, hindi naman po ako aalis kung hindi talaga kailangan. I just need a break from work po."
Sinapo ng babae ang noo niya. Umiling ito. Itinupi niya ang papel at ibinalik sa akin.
"Freda, hindi kayo puwedeng mabawasan. Nakikita mo nanan siguro kung gaano karami ang taong hina-handle ng resort ngayon? Hindi na magkamayaw ang mga tauhan natin. Aalis ka pa?"
"Ma'am—"
"Besides, you can't leave when your work isn't done yet. Uunahan mo pang umalis si Captain Cervantes? I entrusted him to you because you're one of the best staff here."
Hinipo ko ang batok. Bumagsak ang paningin ko sa buhangin at doon naghanap ng maisasagot sa kaniya.
"Interesado naman po si Fritz na pumalit sa akin." Itinuro ko ang babae sa bandang harapan.
"No, she can't replace you." She stood firm. "I can see that Captain Cervantes already developed trust in you. Ano ang sasabihin niya kung paiba-iba tayo ng desisyon?"
Tumango-tango si Fritz bilang pagsang-ayon sa kaniya. Naglaro ang dila ko sa loob ng bibig.
"Kay-aga-aga, Freda." Minasahe niya ang sentido. "Meet me at the office after this," mariing sabi ng babae.
Tinipon niya kami para humingi ng update sa buong linggo. Maaga kong nasira ang mood niya kaya lahat ay damay.
Sa tono pa lang niya ay nakuha ko na ang sagot. No matter what I say, she will not allow me to go. At pinagsisisihan kong nag-request pa ako ng leave kahit seventy-five percent na ang probabilidad na tumanggi siya.
Kinita ko sa office si Ma'am Vida, para lang maipagpatuloy niya ang nasimulan na kanina. Indeed, she refused to grant my request.
"Captain Cervantes won't stay here for long. In fact, his father called me. He needs to leave in a few days to prepare for his wedding. Ilang araw na lang siya rito, makapaghihintay ka naman siguro? If he left us with good remarks, I will give you what you want."
How can I tell her that he is basically the personal problem I'm talking about? Idinaan ko sa tamad na tango ang pagkadismaya. Bigo akong bumalik sa hotel para magbihis ng uniporme.
Dinatnan ko ang dalawa. Ako ang laman ng mainit na tsismisan nila. Natahimik silang pareho nang dumating ako.
"Akla! Awrang-awra ang peslak mo today. Mukha kang nalipasan ng gutom. Ano ba ang ating problem?" Kahit anong pilit hinhinan ni Agusta ang boses niya, sumusuntok iyon sa laki.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...