Chapter 35

66.1K 2.2K 2K
                                    

I miss the Island. But I also miss the city and its noise. Them. Him. Us.

What makes a place feel home are the people arround you. Hindi kung gaano kaganda ang lugar, hindi kung gaano katahimik. Hindi ang sagot sa tanong na, Isisilong ba ako nito? Poprotektahan sa init ng araw? Bibigyan ng matutulugan?

It's about how people will go through the storm with you or about how you'll enjoy the sunlight when you're with them.

Pagkatapos kong mawala ng ilang taon, nandito pa rin sila. I always say I'm the sea who'll wait at the same place no matter how long they were gone. Pero mali ako. Sila ang dagat. Maraming nagbago at umalis, pero hindi sila.

"Adrien! Tumulong ka sa pagbababa ng gamit!" sigaw ni Ace sa kaibigan. Prenteng nakatayo si Abcd sa gilid. Suot ang itim nitong salamin, nagmistulang senyoritong bibili ng lupa ang lalaki.

"You can do it, Engineer!" sigaw niya kay Ace.

Narito kami sa isang bukirin. A big farm in the middle of the city. Lakas makamayaman. Well, may kaya naman talaga sila Alas. His father was a singer, paminsan-minsan na nga lang makikita si Tito Idris sa telebisyon dahil lumipas na ang panahon nito sa industriya ng musika. Gusto na rin daw nitong mabubay nang simple at malayo sa kislap ng kamera.

While his mother is a doctor, his father saved enough for them. Pagmamay-ari nila 'to. Malawak at halos bakante pa dahil kailan lang nabili. May mga tanim na puno at malaking kubo sa gilid. Naroon si Papa kasama nila Tita Prim habang kami ay narito sa silong ng dikit-dikit na puno ng acacia.

"Hoy." Kinotongan ako ni Ace gamit ang pakwan. "Walang chicks, chicks dito. Tumulong ka." Nagbababa sila ng mga gamit at pagkain mula sa sasakyan ni Abcd.

Nakapahinga lang ako sa isang duyan habang pinanonood sila.

"Kaya niyo na 'yan, ang lalaki ng katawan niyo," ani ko.

"Malaki rin naman ang braso mo," pang-aasar nito sa 'kin.

Na-conscious ako bigla kaya hinaplos ko ang braso. Dumakot ako ng maliliit na bato sa gilid at binato sa kaniya. Tumatawang tumakbo si Ace at bumalik para maibaba na lahat ng gamit.

Nauna na ako sa isang papag. Mahaba itong higaan na gawa sa kawayan kaya malamig sa balat. Sa tabi nito ay ang isang lamesa at ilang upuan. Animo'y nasa probinsiya kami at wala sa siyudad. Malaking bagay daw 'to sa parents ni Ace. Tsismosa ako kaya tinanong ko si Tita Prim. Sabi niya, it's something that reminds her of their youth.

Ang sweet nga ng parents ni Ace. Magiging gano'n din kaya kami ni Ross kapag tanda namin?

"Aray!" sigaw ko nang tumama sa akin ang mantel na hinagis ni Ross diretso sa mukha ko. Mukhang malabo ang tanong ko kanina lang.

Sakalan siguro ang love language namin ni Ross.

Hindi naman talaga ako nasaktan. Sadyang nagulat lang ako kaya napasigaw. Sinamaan ko pa rin siya ng tingin.

"Paliparin kaya kita pabalik ng Amerika?" singhal ko na parang hindi ko siya pinigilan umalis noong nakaraang araw lang.

"Iiyak ka," aniya at hinagis pa sa akin ang isa.

"Buti alam mo!" Wala, eh. Hindi ko na itatanggi 'yon. Nagmahal ako ng maarte, masungit at mahanging lalaki.

Inilatag ko na sa lamesa ang mantel habang inuubos nila ang mga gamit sa kotse. Inilipat ko ang mga pagkain mula sa papag sa nasapinang lamesa. Karamihan sa mga 'yon ay prutas. Akala mo naman talaga healthy living kami.

Summer kasi kaya masarap ang mga malalamig sa tiyan na pagkain. Bigla ko tuloy naalala ang buko juice ni Kuya Paning. Babalik ako ng isla para magpaalam nang maayos sa kanila. It was my home for five years. I learned a lot in that place. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong nakasama ko doon.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now