"Kamusta ang arte?"
Kinuha ni Ace ang libro mula sa kamay ko. Hindi ako umalma dahil bukod sa hindi ko naiintindihan ang nakasulat doon ay inaantok akong magbasa.
"Sampung beses na naming napa-walk out si Celine. Hanggang kailan ba 'ko magpapanggap?"
"Hanggang kailan nga ba, Moren?"
Nagulat kaming lahat nang magsalita si Franz. It's very rare of him to talk when we're talking about silly things kaya nakakasorpresa iyon. Ang tono ng pananalita niya ang nagsasabi sa aking may ibang kahulugan 'yon.
"Malay ko? Kaya ko nga tinatanong 'tong si Ace." Ipinatong ko ang paa sa tuhod na agad ibinaba ni Abcd.
"Kahit isang daang beses pang mag-walk out si Celine kung hindi sila magkakaayos ni Ross, wala rin. Itodo niyo na kasi."
"Kulang na lang halikan ko si Ross, hindi pa enough 'yon?" Tumayo ako para kuhanin ang gitara ni Ross sa tabi ng TV.
Wala kaming klase kaya narito kami sa lungga namin. Si Ross lang ang wala dahil mineet ang mga players. Pahinga dapat ngayon dahil Intramurals na bukas; para raw hindi kami mapagod at makapag-reserve ng energy.
Damuho! Binigyan naman kami ng isang daang assignments to be passed after the program. Maglalaro ako bukas na masama ang loob.
"You said the key," ani Ace. Lumipat siya sa coffee table sa harapan ng mahabang upuan para maharap ako. "Halikan mo na."
Nasamid sa pag-inom ng tubig si Franz. Ako naman ay natigil sa pag-strum ng gitara.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Itinuro ko ang tainga ko.
"Friendly kiss lang, babes." He shrugged. "Wala namang malisya. Magkaibigan kayo kaya hindi 'yon magiging mahirap."
Inabala ko na lang ang sarili kong maggitara kesa pakinggan ang sinasabi niya. "Payag ako," I said. "Halikan mo muna si Abcd tutal magkaibigan naman kayo."
Ihinagis sa akin ni Abcd ang lukot na papel. Kanina niya pa isinusulat ang article na pinapagawa sa kaniya tungkol sa importance ng intrams sa school. Nagkalat na nga ang mga crampled paper sa desk niya at sa ibaba.
Lumukot ang mukha ni Ace, pagkatapos ay nginusuan ako.
"Hindi 'yon magiging mahirap," I snorted.
"Siguro, crush mo si Ross."
Tumunog ang buto ko sa leeg nang bigla ay magtaas ako ng paningin kay Ace. Seryoso siya nang sabihin iyon.
"Siguro crush mo si Adrien." I mocked him. Wala namang malisya sa kanila. They're just soulmates.
"Crush mo si Ross?"
"Iniisip mo talaga 'yan?" Itinaas ko na ang gitarang hawak, handa nang ihampas sa kaniya nang bumukas ang pintuan ng kuwarto.
Iniluwa no'n si Ross na naka-jersey pa at pawis na pawis. "Hey, don't you dare." Minatahan niya ang gitarang hawak ko.
Ibinaba ko sa gilid ko ang gitara. Tumabi sa akin si Ross na nag-iinat ng kamay niya. He's rotating his wrist like he has spare one to lose.
"Give me my guitar, it's not safe with you." Inabot niya ang gitara sa tabi ko.
"Si Ace ang sisihin mo, kung ano-ano ang sinasabi niya. Halikan daw kita?"
Ross looked at Ace, then at me, down to my lips. He smiled and met my eyes. "Pwede naman."
Hinampas ko sa mukha niya ang throw pillow. Nakakainis at natitig din ako sa labi niya nang sabihin niya 'yon. Inabot ko ang bottled water sa duffle bag ni Ross at ininom iyon para agapan ang panunuyo ng lalamunan.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...