Chapter 15

48.3K 1.6K 435
                                    

I am drumming my pen on my desk, trying to catch up with the topic our adviser is discussing at the front. Nakapahinga ang baba ko sa palad, blangkong nakatingin kay Ma'am Clara para hindi niya masabing hindi ako nakikinig. Kahit wala naman ni isang salita ang pumapasok sa isip ko.

Buong gabi akong dilat kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Ross asked me to get my father check but I refused. Naduduwag pa rin ako. Sinabi kong normal naman ang kilos ni Papa kagabi.

He was also fine when I left. At hindi niya tanda ang ginawa kahapon at kagabi. I only have him. Ang hirap na wala akong masabihan, walang taong magpapapanatag ng loob ko. Like what mothers do to their child.

Last night, I missed her. Kung sana nandito siya, hindi ko sinasarili ang lahat ng 'to. Siguro kung hindi kami iniwan ni Mama, may karapatan akong maging mahina at kahit minsan, mangailangan. Kasi alam kong may sasandalan ako.

I have no choice but to be strong. Because no one will hold my hand when I'm weak.

Kanina ko pa ramdam ang tingin ni Ross sa akin. Matindi ang pag-aalala niya kagabi pa. Muntik pang sa amin magpalipas ng gabi para masigurong ayos lang si Papa.

Isang dekada mahigit na kaming magkasama at lahat ng kuwento ko ay nasabi ko na sa kaniya. But there are few things I cannot tell him. My fears, my worries, and my weakness.

I don't tell people the things I'm scared of o kahit ang mga bagay na kahinaan ko. Dahil gusto kong makilala ako ng lahat bilang Moren na matatag. Toxic positivity it is.

The fate and life I have sculpted me into someone I don't want to be. Hindi dahil gusto ko. Kung hindi dahil kailangan.

Wala namang ibang sasandalan si Papa kung hindi ako. Kailangan kong maging matatag para sa amin.

Naipikit ko ang isang mata. May papel na tumama sa kalahati ng mukha ko. Alam ko kung sino ang may gawa, isa lang naman ang taong may tapang ng loob mang-asar kahit sinong teacher ang nagkaklase.

"Problema mo?" I mouthed at Ace.

Itinuro niya ang papel na hinagis sa akin. "Buksan mo," walang boses niyang sabi.

Itinago ko sa ilalim ng desk ang papel para ligtas kung sakaling matingin sa gawi ko si Ma'am Clara. I opened the paper and saw a note in there.

KTV tayo mamaya after dismissal. Libre ko. :)

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Himala ata at nagkusang loob siya. Too bad, I can't come.

Mas gugustuhin ko pang matulog sa tambayan para makabawi kesa kumanta. Pero hindi ko rin magagawa dahil kailangan na namin simulan ang pagpapraktis. Malapit na ang sports fest competition.

Ipinatong ko sa hita ko ang papel at kumuha ng ballpen para magsulat ng response. Patingin-tingin ako kay Ma'am Clara.

May practice kami mamaya sabi ni coach. -_- Wrong timing ka maghimala.

Ihinagis ko pabalik sa kaniya ang papel. Awtomatiko ang pagbagsak ng balikat niya matapos basahin ang nakasulat do'n. He was disappointed for a second. Para siyang tinubuan ng punla sa tuktok ng ulo nang may maisip at magsulat muli.

Itinaas ko ang libro para takpan ang mukha. Inabangan ko na ang ihahagis niya.

Easy! After ng practice niyo.

Walang makakapigil sa kaniya pagdating sa galaan.

Bawal ako magpagabi, walang kasama si Papa sa bahay. Kayo na lang muna.

Our conversation went on without us getting caught. Maraming sinabi ang lalaki. Kesyo maghihintay daw sila at sa bahay na lang kami kumanta. Sa huli, nanalo ako.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now