Chapter 18

44.2K 1.6K 890
                                    

Dementia. More than 55 million people live with dementia globally, million of cases keep coming every year. Ang pinakakilala, Alzheimer disease. Naapektuhan nito ang utak ng isang tao. Dahilan para makalimot sa mga bagay na karaniwang nilang alam, kilala, at pamilyar sa kanila.

It is currently the seventh leading cause of death among all diseases and one of the major causes of disability and dependency among older people worldwide.

Walang lunas. Hindi katulad ng simpleng sakit na kaya mong lagpasan sa loob ng isang linggo o sa nabibilang na araw.

There's no cure and I think that was the only thing I remember from the Doctor's confrontation about my father. May gamot na maaaring makatulong sa kanila ngunit hindi iyon sapat para matakasan nila ang unti-unting pagkain ng sakit sa memorya.

It is always my fear to be forgotten. Ayokong makalimutan.

I have my identity issues. Pakiramdam ko, hindi ko pa kilala kung sino ako. But when I ask people who I am to them, they can describe me, they can tell me who I am. Kaya ayokonh makalimutan.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit si Papa pa? Siya na lang ang meron ako, eh. So why does it need to be him?

He is the strongest person I know. Sa kaniya ko natutunan magsumikap at maging malakas. He was capable of doing everything for me. Now, he can't even take care of himself.

I was in denial of it. But I saw how it progressed slowly. Nag-umpisa sa mga bagay na akala ko noon normal lang.

Puwede bang pahingahin naman ng mundo si Papa? Bakit kung sino pa ang mga mabubuti, sila ang naghihirap? My father suffered enough. It pained me to see him in a situation where he can't even tell who he is. Yet I can't do anything but to watch him change.

"Moren–"

"Okay lang ako, Ross," putol ko sa lalaki. "Umuwi ka na, sumunod ka na kila Tita."

Kumikirot ang puso ko, nabigla at nabahala. None of what happened today made me cry. Parang sakit lang. Na kahit gaano ko kagusto lumuha, takot akong maging mahina.

"Take a rest, ako na muna ang titingin kay Tito."

Nakatitig lang ako kay Papa, hindi alintana ang sinasabi ni Ross. Ilang araw na akong hindi pumapasok sa eskuwela matapos ang maliit na sunog noong nakaraan. Naulit ang pangyayari at napahamak si Papa, rason kung bakit ko siya dinala sa hospital.

Nakaupo siya sa wheelchair niya, nakatingin sa malayo at may sinasabi. Words that doesn't even make sense to me.

There are times that he will remember me, tatawagin niya ako sa pangalan na ibinigay niya sa akin. Pero nakakalimutan niya lahat ng mga bagay na ginagawa niya.

Napaigtad ako nang mula sa likuran ay maramdaman ko ang pagyakap ni Ross. Hinarap ko siya para pigilan ang aksiyon nito.

"Ayos lang ako, okay lang ako, Ross. Umuwi ka na, anong oras na rin." Parehong mga salita lamang ang lumalabas sa bibig ko. Dahil iisang emosyon lang din ang nakikita ko sa mukha niya, awa.

Sa halip na lumayo at umalis katulad ng sinabi ko, higit siyang lumapit sa akin para bigyan ng isang mahigpit na yakap.

Sinubukan kong itulak siya nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata. He refused to let me go. Ibinaon niya ang mukha sa balikat ko.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now