Chapter 16

47.1K 1.8K 417
                                    

Ilang linggo kong hindi nagamit ang motor ko dahil sa aksidente. Ross warned me that he will tell Tita Yen what happened if I refuse to go with him until my wounds are fine.

Isa pa naman si Tita Yen na matindi ang pag-aalala sa paggamit ko ng motor. At ayokong pagbawalan niya ako.

Mula noong malaman ni Ross na si Celine ang nagpatay ng tawag noong gabi na iyon ay naging madalang ang pagkikita nila. I can say Ross made a big fuss out of it. Kahit naman may sama ng loob ako kay Celine, ayokong magmukha siyang masama kay Ross.

Anong iisipin niya? Na sinisiraan ko siya sa kabigan ko? Ayoko naman ng gano'n. Whether I like her or not, I can't deny that she's a fine lady.

"Guys! Walang klase, may bisita!" sigaw ng isa naming kaklase. Maliksi siyang bumalik sa upuan dahil sa tuwa.

"Lakas niyo manalangin, meron nga!" May sumilip na isa para kumpirmahin ang sinabi ni Pat.

"Basta walang magpapaalala ng assignment kay Ma'am, ha. Wala akong gawa," si Tristan.

Speaking of that assignment. Naalala ko lang din matapos niyang sabihin. Hindi ko nagawa kagabi, nag-away kasi kami ni Papa. Nagalit siya nang sawayin ko sa paglalaro ng posporo.

I can run away from the reality that it's something  a normal person won't do. But until when? Ayoko muna iyong problemahin. Dahil ang mahalaga sa akin ay ayos siya madalas. Nagkakausap kami nang matino at nagkakaintindihan.

Kinatok ng adviser namin ang pintuan para pukawin ang atensiyon ng lahat. Sa likod niya ay ang tatlong tao. Nakasuot sila ng pulang polo shirt na magkakapareho.

"May bisita tayo."

Matamis ang ngiti ni Ma'am. Lumilitaw lang ang ipin niya kapag may bisita o di kaya ay evaluation na.

"Good morning, visitors!"

Nasa huling taon na kami bago magkolehiyo pero ang pagbati ay nanatiling mahaba at walang pagkakaisa. Parang grade three na napag-iwanan ng panahon. Masasabi mong hindi nagustuhan ni Ma'am Clara ang pagbati namin.

"May sasabihin sila sa inyo. Itikom niyo ang bibig at makinig nang mabuti," mariin niyang bilin sa amin. Nang tumalikod siya sa amin at humarap sa mga bisita ay gumaan ang mukha niya. She smiled at them. "Go ahead."

Hindi umalis si Ma'am Clara. Alam niyang once na mawala siya sa paningin namin ay iiral ang kalokohan ng lahat. Maganda at mukhang bata pa naman ang isa sa kanila. Sumandal ang guro sa nakabukas na pintuan.

"Good morning everyone, we're from Lopez y Mercado University." Maligalig na bumati sa amin ang isa, pinakamatanda sa kanila.

"Nandito kami ngayon para ipakilala ang LMU sa inyo, especially that all of you are graduating students, right?"

Suminghap si Ma'am Clara. Bumuka ang pamaypay niya para takpan ang bibig, natatawa ang guro.

"Huwag pakasisiguro, may finals pa," sambit ng isa naming kaklase.

One more finals and we're done or we're doomed. Isa lang naman do'n ang kahihinatnan namin.

"Claim it now, papasa kayong lahat at makaka-graduate. Tiwala lang."

"Amen!" sagot ng lahat.

Tuwing magtatapos ang school year ay may pupuntang mga tao rito para i-promote ang school nila. Their priority are the graduating students.

Nakinig ako dahil wala akong alam ni isang university rito. It's good to hear that they're public. 'Yung mga nauna kasi ay private. Matik may tuition 'yon.

Sinabi nila sa amin ang mga importanteng detalye tungkol sa school nila. Nang ipapakilala na nila ang mga kursong ino-offer ay nagtanong ang isa sa kanila.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now