"Welcome to Isla de Desastre Hermoso!"
Nakataas sa langit ang pareho kong kamay habang nakangiti sa mga bagong dating na turista.
Nagsalisisihan ang palingon nila sa buong lugar. Namamangha ang ilang pares ng mata sa ganda ng kalikasan.
"The island of a beautiful disaster. Who would've thought that a tragedy can bring a gift that continuously brings joy to everyone? This mouthwatering piece of nature's beauty . . ."
Nakasunod ako sa kanila habang binibigyan ng depenisyon ang islang naging tahanan ko na sa loob ng limang taon.
Ang Isla de Desastre Hermoso ang pinakamalaking isla sa anim pang islang kalapit nito. Kakailangananin mo ng tatlong araw o higit pa para maikot ang kabuuan nito.
The clear water mirrors the turquoise sky as the waves mimic the moving clouds. Pinakikislap ng sinag ng araw ang tubig at binibigyang buhay ng mga sea creatures ang dagat. You can see the stones beneath the water, sculpted by time and loved by many generations.
Napapaligiran din ang lugar ng mga mabababang bundok kung saan nakatayo ang ilang kabahayan.
Malinis tignan ang puting buhangin sa tabi ng tubig. Napupuno iyon ng mga seashells na bahagyang angat ang kulay sa buhangin. Line of palm trees are proudly standing all around the island.
Mayroong matayog at malapad na bato sa katabing bahagi ng isla. All-white houses are built there. You can find white houses, restaurants, and shops at the line that divides the land and the sand. Above all, the Isla Hermoso Resort.
Maraming nipa hat sa paligid at mga duyang iba-iba ang disenyo at kulay. Nakaabang ang mga bangka sa dalampasigan kung saan naghihintay ng mga turistang maeenganyo naming tuklasin ang ganda ng kalikasan. Ganoon rin ang mga kabayong lulan ang ilang tao. Mga makukukay na kalesa.
Mga banyaga ang bagong dating. At sa limang taon ko sa trababong 'to, bihasa na ako sa pakikipag-usap sa kanila. Baka nga kapag umabot ako ng isang dekada rito ay maging polyglot na ako.
"Isla de Desastre hermoso, what does it mean?" Hinubad ng lalaki ang itim nitong salamin.
Ngumiti ako at hinanda sa isip ang script. "Isla de Desastre Hermoso means the island of a beautiful disaster, Sir!" Matayog pa sa araw ang energy ko. Maaga pa, iyon ang dahilan.
"Many years ago, this island was just a mere part of the land. Surrounded by many palm trees and cultivated farms, the land served many local farmers."
Naglalakad sila kaya habang nagsasalita ay lumalakad din ako, patagilid nang sa gayon ay kita ko sila.
"See that mountain? It's not actually a mountain, that's an extinct volcano. It has not erupted in over ten thousand years and is unlikely to erupt again. According to the old tale, it just erupted once and that one life-changing tragedy ruined the homes of many. It was a disaster. The houses collapsed and the vegetation was gone."
Interesadong-interesado ang mga lalaki sa ikinukuwento ko. Ako naman ay hinihingal na sa kakalakad para lang masabayan sila.
"How can you call it a beautiful disaster if it ruined their lives?"
I smiled at the thought that they're really interested in knowing the history. Pakiramdam ko ay may saysay ang pagpapagod ko sa pagsasalita.
"The people are afraid to go back because they thought that the volcano will soon erupt again. No one knew it'll going to be a breakthrough until someone took the courage to see his hometown. To his surprise, the island was born."
"The farmers became the fishermen of the island. Generations after generation, the island became their new home, their new hope. A beautiful disaster, isn't it?" I smiled at them.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...