"Mayaman na tayo!"
Kumislap ang mga kulay gintong medalya nang itapat ko ito sa araw. Kumagat na ang hapon at palubog na ang araw sa kanluran.
Pinagkumpara ko ang sa akin at ang medalya ni Ross. Magkamukha lang ang estilo at pareho lang ang laki. Ang tanging pinagkaiba ay ang sports na nakasulat sa likuran ng mga ito.
"Wait niyo 'yung sa 'kin. Malapit na Press Conference," si Abcd.
"Unfair! Walang singing contest. Paano naman kami ni Franz. Kagwapuhan lang ambag?" Inakbayan ni Ace si Franz.
"Kung magkataon man na mayroong singing contest, we won't watch you." May sama ng loob si Ross sa lalaki.
"Tama, tama." Tumango ako. "Fake friend ka. Bakit wala ka kanina?"
Natapos na siyang kumanta sa opening ay hindi nagpakita ang lalaki sa amin kanina. Nagpaliwanag siyang may inutos sa kaniya si Ma'am Clara na naiintindihan naman namin. Sadyang pinagti-trip-an lang namin ni Ross si Ace.
"Ikaw nga sabi mo, umiiyak ako kanina." Tinuro niya ako.
"Bakit, hindi ba?"
"Kumakanta 'ko!" Pinigilan niya ang sariling pisilin ang mga balikat ko sa panggigigil. Natawa ako.
Lumapit sa amin si Franz matapos maiayos ang camera sa tripod. "Stop brawling. It's set."
Umayos kami ng tayo sa gitna a tapat ng isang malaking puno. Ako ang nasa gitna ng apat. Sa tabi ko ay si Ross at Franz at sa magkabilang gilid si Ace at Abcd.
"There's a timer. Show your teeth."
Malapad akong ngumiti hawak ang medal ko. Si Ace ang may hawak ng thropy namin. Si Abcd naman ang may hawak ng kila Ross. Sa sumunod na kuha ay kinagat ko ang medal. Ginaya ako ni Ross na sakal-sakal pa ang leeg ko. Love language niya ata ang manakal.
Nakadantay ang braso ni Franz sa balikat ko kaya ramdam ko ang bigat nila pareho.
"Last one," he said.
"Wacky naman. Papangitan," suhestiyon ni Ace.
"Bro, you don't have to compete. Panalo ka na."
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Abcd kay Ace. They really share the same braincells.
Hinila ni Ace and shirt ni Abcd mula sa likuran. "Sa 'yo pa rin ang title, Adrien!"
"Umayos na kayo, ayan na."
Para kaming mga tangang huminto sa paggalaw nang pukawin ni Ross ang atensiyon naming lahat. Sa tatlong huling kuha ay kung ano-anong pose ang pinaggagagawa namin.
Uwian na at katatapos lang ng lahat ng laro. Dinaraanan kami ng mga estudiyanteng pinagpipiyestahan ang mga kaibigan ko. Bakas ang pagod sa mga mukha nila. Bagsak ang mga balikat ng iba, malamang ay bigong manalo sa araw na 'to.
"Patingin." Animo'y bata akong naglakad papunta kay Franz. Hawak niya ang kamera at tinitignan ang kuha namin.
"How was it?" Ross is curious too.
Nagkumpulan kaming lima sa harap ng tripod habang si Franz ang naglilipat ng mga pictures. Akalain mong umabot iyon ng forty plus pictures. Parang nakalimang pose lang ako, ah.
"Ang pangit ko ro'n." Ngumuso si Ace. May napasadahan kaming litrato na hindi siya nakatingin sa kamera.
"Sa lahat naman." Abcd teased.
Tumitingkayad ako. Hamak tatangkad ng apat kumpara sa akin kaya hirap akong makita ang mga pictures. Inagaw ko kay Franz ang kamera at ako ang nagkalikot noon.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...