Chapter 27

44.7K 1.4K 387
                                    

Natigilan ako sa isang salitang narinig mula kay Ross. It was my name. Nagdalawang-isip ako kung lilingon sa kaniya o hindi.

"Moren." He repeated it.

My heart jumped. Nakaawang ang labi ko nang humarap sa kaniyan. For a second, I thought he called me. Pero kunot ang noo ni Ross habang nakatingin sa pinahiram kong panyo.

"Okay ka lang?" Humigpit ang hawak ko sa manubela ng bisikleta.

Nilukot ng kamay niya ang panyo ko at tumango. "I just keep hearing names. I'm sorry, did I startle you?"

"H-Hindi naman." I lied. I'm worried because every time he seems to remember a piece of his memory, tumatamlay ang mukha niya.

"Hop on the bike, I'll hold you."

Nagbago ang mood ni Ross. He's all sunshine earlier. Now, there are clouds above his head. Sinunod ko ang sinabi niya. Sinakyan ko ang bike ngunit hindi pumidal. Pinausad niya ang bisikleta gamit lamang ang isang kamay, samantalang hawak ng kabila niyang kamay ang manubela ng akin.

Our pace is slower. Pero mas mabilis na rin ito kaysa maglakad kami. Bumalik kami sa resort. And that was the first and last activity he did for that day.

Sinabi niya sa aking magpapahinga muna siya kaya nag-assist ako ng ibang turista maghapon.

"Freda, kumain ka na?" Sumulpot sa gilid ko si Troy.

"Hindi pa." Inalis ko ang buhanging natipon sa tsinelas. "Bakit?"

"Sabay na tayo. Kakain pa lang din ako."

"Iba trip mo ngayong araw."

He chuckled. "Bakit naman? Ngayon lang kita naaya. Lagi ka kasing busy sa captain mo."

Pumamewang ako. "Captain ko? Hindi ko naman 'yon pagmamay-ari."

Tumawa siyang muli. He extended his arm to reach my head, may kinuha siya sa tuktok ng ulo ko.

"May kuto ka pa," pang-aasar niya.

I hit his abdomen while laughing. Ibinagsak niya sa buhanginan ang tuyong dahon.

Linggo ngayon kaya buong araw walang gagawin si Troy. May ibang cook sa resto, pinapalitan siya sa tuwing araw ng linggo.

Kumuha kami ng pagkain sa resto. Ang ikinaganda ng pagtatrabaho ko dito ay wala kaming binabayaran sa pagkain, hotel at uniforms. Sagot iyon lahat ng Isla Hermoso. Malaking tulong 'yon dahil buo kong naitatabi ang sinusuweldo.

Matapos kumuha ng pagkain sa resto ay nagtungo kami sa bakanteng lamesa na naliligaw sa isang hilera ng mga sun lounger. Pinagsaluhan namin ni Troy ang pagkain.

"Nakita mo ba 'yung dalawa?" Ngumunguya ako nang magsalita.

"Si Fritz at Agusta?"

"Si Spongebob at Patrick."

"Nasa paligid lang kanina, eh. Baka may tinrabaho sa krabby patty," pilyo niyang sagot.

Katulad ng inaasahan namin, patuloy ang pagdagsa ng mga tao rito araw-araw. Every year, nadaragdagan ang mga taong nakaka-discover sa lugar. It was all thanks to the new management. Dahil sa galing nilang mag-advertise ay nakilala ng mga tao ang isla.

Hindi ko ugaling magsalita habang kumakain kaya tahimik lang ako. Ito namang si Troy, kada subo ay may kasunod na tanong.

"Hanggang kailan pa raw si Captain dito?"

And most of his questions are about Ross.

"Wala siyang sinasabi sa 'kin. I guess kapag nasubukan na niya lahat ng mga puwedeng gawin dito?" Tumaas ang balikat ko.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now