Chapter 31

49.8K 1.7K 474
                                    

Tinangay ng hangin ang ngiti sa labi ko nang maging seryoso ang mukha ni Ross. It was as if he was hit by a thunder. Tinikom ko ang bibig at nagsalisihang tumingin sa mga mata niya.

"B-Bakit?" I asked. Though I know my utterance shocked him.

"How did you know my name is Ross?" Umigting ang panga niya. "No one calls me Ross. It wasn't even on my personal information. How come you know it?"

Bumilis ang tahip ng dibdib ko. I am caught off guard. Still, it is not enough reason to just admit it.

Tumawa ako. "Anong sinasabi mo? I didn't call you Ross."

Lumunok siya, matalim pa rin ang mga mata. "Yes, I heard it. You yelled my name."

We are in awkward position. Nakahiga ako sa buhangin samantalang nakaupo siya sa tabi ko. Umayos ako ng upo, inilalayo siya.

"Nagkamali ka ng dinig. Ang sabi ko, boss." I nervously laughed again upang hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko. "Eh, hindi ko nga alam ang buong pangalan mo. Ang alam ko lang, Cervantes ang apelyido mo, Sir. And your name is Miah . . . s-sabi mo."

He sat properly, unconvinced.

"Ross ang pangalan mo? Paano ba 'yan? Alam ko na. Bawal ba? Anak ka ba ng mafia boss kaya kailangan secret lang 'yon?" Pabulong ang huli kong tanong. Inakbayan ko siya. "Huwag kang mag-alala, your secret is safe with me, Sir."

His expression didn't change. Isang salita lang ang nakapagpabago ng mood niya. At last, he heaved a sigh and massaged his temples. He lowered his head and shook it.

"I'm hearing weird things," he said.

"Okay lang 'yan. Part of recovery."

"Limang taon na." Suminghal siya. "Pinagkakaitan pa rin ako ng mundo. I am still stuck at this stage. I'm starting to lose hope."

Ginawa ng labi ko ang katahimikang hindi kayang gampanan ng puso ko. Nagpeke ako ng hikab. Tinakpan ko ang bibig at kinusot ang mga mata.

"Inaantok na ako, hindi ka pa matutulog?"

Nagsuong pa siya ng mga kahoy sa apoy. "You can sleep. It is hard for me to sleep when my head is full of thoughts. I need to empty it."

Tumango ako at pumasok na sa loob ng tent. Dibdib ang una kong hinawakan nang maisara ang pintuan no'n. I'm feeling my heartbeat when the door opened and Ross saw me, dumoble ang bilis no'n.

"I need my notebook."

Sa taranta ko ay natagalan akong hanapin ang notebook niyang nasa tabi ko lang pala. "Ito, oh." I smiled nervously.

Nagugulumihanan niyang inabot sa akin ang kuwaderno. Isinara niya ang tent at bumalik sa tabi ng apoy. Nakahinga ako nang maluwag pero higit na natakot dahil nagiging padalos-dalos ako sa mga sinasabi.

Kailangan na namin bumalik sa resort. Ayoko na talaga. Sa tingin ko, kahit si Ma'am Vida ay hindi mapipigil ang pag-alis ko pag-uwi namin sa isla.

Humiga ako at ginawang unan ang mga palad. Kinuha ko ang phone upang tignan kung anong oras na nang makita ang reply ni Fritz sa text ko kahapon.

Me: Fritz, stranded kami sa isla. Mahirap lumayag nang maulan. Kailangan ng mas malaking bangka para sunduin kami. Please, send help as soon as possible.

Fritz: Shuta ka! Akala ko ay nakipagtanan ka na. Naipaalam na namin kay Ma'am Vida. Bukas ay may susundo na sa inyo. Tiyagaan mo lang.

Fritz: Chance mo na 'yan. Alam mo na!

Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang sigaw. I've never been this happy receiving a reply from her. Sa sobrang tuwa ko ay lumabas ako para ipaalam sa kanila ang magandang balita.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now