Chapter 19

46.4K 2K 854
                                    

Umalis ako ng bahay. Iniwan ko si Papa kay Ross. He happened to be outside our house when I released my frustrations. Lumayo muna ako para makalanghap ng hangin, para pakalmahin ang nagtatalong mga emosyom sa puso ko.

Tumakbo ako sa malapit na pond at sinamantala ang sariwang hangin. Hindi man lang ako nakapagbihis kaya sa katawan ko na mismo unti-unting natutuyo ang basang damit.

The wind is blowing. Paminsan-minsan ay nabubuhay ang mga balahibo dahil sa lamig. Walang ilaw sa pond, tanging ang repleksiyon ng buwan sa tubig ang liwanag ko. Ikinatuwa ko ang pagbagsak ng maliliit na butil ng ambon sa tubig. They are creating circles after circles. At ang pagtalon ng pailan-ilang palaka sa mga lily pads.

I breathed the cold air and crossed my arms on my chest as they tap my shoulders. Niyakap ko ang sarili ko para labanan ang lamig.

Guilt is what I am feeling. Pagkatapos kong ilabas ang pagkayamot at ang mga salitang ang tagal kong kinimkim, nagsisisi ako.

Pagod ang nagtulak sa aking sumabog. I never complained about having to take care of him and carry all the responsibilities. Hindi ko sinisi si Papa kung bakit naghiwalay sila ni Mama o kung bakit pinagkaitan ako ng kompletong pamilya.

I said no words everytime I can't keep up with other friends because of him. Nanahimik ako, umintindi, at nagtiis. Pero tao lang din ako, napapagod.

That was the first time I yelled at my father and yet I'm regretting it so bad. Baka iyon na rin ang huli. Dahil kung meron mang higit na masasaktan, ako rin. He might forget this, but I won't.

Bumaba ang tingin ko sa lupa. Anino ng isang lalaki ang nakita ko. May hawak siyang payong at nakatayo mismo sa likuran ko.

"Napatulog ko na si Tito," ani Ross.

Tumango lang ako. Naubos ang lakas ko para magsalita.

Umupo siya sa tabi ko at ipinahawak sa akin ang payong. Gamit ang malaking bimpo niyang dala ay tinuyo niya ang basa kong buhok.

"Where did you go earlier? Sabi mo, iihi ka lang." Bumuntong hininga siya. "Don't do it again, you're making us worried." Kalmado si Ross. Taliwas sa inaasahan kong galit niya sa akin.

Pinupunasan niya ako kaya napaharap ako sa kaniya. Sinunod niya ang mukha ko pagkatapos ng buhok. Nakatingin lang ako sa lalaki habang taban ang payong na nagbibigay ng silong sa aming dalawa.

Isang luha na naman ang nakatakas sa mata ko. Nakita niya 'yon. Agad iyong pinalis ng daliri niya.

Bakit sa tuwing siya ang kasama ko, pakiramdam ko ay puwede akong umiyak kahit kailan ko gusto? Puwede akong maging mahina dahil nandito siya sa tabi ko? I hate this feeling.

"Let's go home. You'll get sick if you won't change your clothes."

"Tungkol sa Daddy mo," I said out of nowhere.

Bumaba ang mga kamay niyang hawak ang bimpo sa hita. "What about him?"

"Narinig ko kayo ni Tita noong nakaraan. Uuwi ang Daddy mo para kuhanin ka," ani ko.

"Wala akong planong sumama. I rather stop–"

"Bakit?" I cut him off. "Dahil ba sa 'kin? Dahil ba sa 'min? If the reason why you can't go is because you don't want to leave me, tumigil ka, Ross."

Lumunok siya. "Why are you saying this?"

"Ayokong maging dahilan para mahinto ka sa pag-aaral. I don't want me and my father to be a responsibility of yours." Huminga ako nang malalim.

"Ang sakit mo naman humiling, Moren." He smiled at me.

"Baka pagkatapos ng graduation natin, umuwi na lang kami sa probinsiya. Doon muna kami ni Papa sa Batangas. Magtatrabaho ako."

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now