"Sir, sandali!"
Hindi ko napigilang sigawan ang lalaki dahil sa bilis nitong maglakad. Sa puntong 'to, hindi ko alam kung ano ang hahabulin ko. Ang hininga ko ba o siya. Sa pagpipigil pa lang tawagin siya sa pangalan, hirap na ako.
"Captain Cervantes!" I yelled once again.
He didn't give me a damn and continue walking. Dala ko ang mga gamit niya kaya doble ang pagod ko. Masungit at tamad siya noon, pero sumobra naman ata ngayon. Gusto ko na lang siyang sigawan sa pangalan.
"Siya kaya magbitbit ng gamit niya?" singhal ko sa hangin.
Wala man lang siyang dinala. Ibinigay niya ang lahat sa akin at dalawang bag pa! Hindi naman sana siya titira sa pupuntahan namin. Porket hindi siya ang mapapagod, pati ata sama ng loob isinilid niya sa loob ng bag kaya sobrang bigat.
"Come on, Freda. Stop being sluggish!" sigaw niya.
"Sluggish? Itulak kaya kita mamaya?" May tapang lang ako dahil alam kong hindi niya ako maririnig.
Binilisan ko ang paglakad para maabutan siya. Sakit pa rin sa ulo para sa akin ang isiping sa buong stay niya sa isla ay kaming dalawa ang magkasama. Gustuhin ko man kasing ipasa 'to sa iba, baka magdilim pa ang paningin ni Ma'am Vida at mawalan ako ng trabaho. It's fine because he doesn't remember me. Pero paano kung bigla na lang siyang makaalala?
Ipagdarasal ko na lang na magsawa siya at bumalik na sa Amerika bago pa iyon mangyari.
"Saan ang daan?" tanong niya.
Uminom muna ako ng tubig at huminga bago siya sagutin gamit ang daliri. Itinuro ko ang daraanan naming mga bato para marating ang mga beach houses sa tuktok ng patag na bato.
"That's far," reklamo niya.
"Sabi ko sa 'yo, Sir, eh. Balik na lang tayo sa seaside. May beach houses din naman do'n."
"It's fine. It's a good exercise." He walked away, leaving me speechless.
Napunta lang siya ng ibang bansa, nagkaroon na siya ng punto. Hindi ako sanay. Noong huli kaming nagkita–nevermind!
Narating namin ang simula ng bangungot ko. May bahagdang gawa rin sa bato. Iyon ang mag-aakyat sa amin sa pinakatuktok.
The challenging thing about this artificial stairs is that it's slippery. May mga lumot kasi, bukod sa makitid. Dahilan kung bakit pahirapan at ayokong magdala ng mga guest dito.
"Sir, dahan-dahan lang po. Madulas po ang mga bato," paalala ko.
"Alam ko," masungit niyang sabi.
"Sinasabi ko lang, baka kasi mahulog ka sa 'kin." Mahina ang pagbigkas ko sa huling sinabi.
Bawat tatlong hakbang niya ay isang hakbang ko. Wala siyang puso. Hinayaan niya talaga akong magbitbit ng naglalakihang bag niya.
It took us half an hour to reach the top. Namamangha niyang pinagmasdan ang katawan ng tubig mula sa itaas samantalang nagdarasal pa rin akong makarating nang buhay sa tuktok. On my last step, he offered a hand.
I took it in desperation.
"Where's my thanks?"
"Thank you po!"
"Sinisigawan mo ba 'ko?" Nililipad ng hangin ang maikli niyang buhok.
"Hindi, Sir. Baka kasi hindi mo ako marinig kapag hininaan ko."
He looks like he's not convinced. Ipinakita niya ang palad sa akin. "Give me my phone."
Kinapa ko ang mga bulsa ng bag niya at nang hindi iyon makita ay binuksan ang pinakaloob-looban.
YOU ARE READING
Eight Words Love Story
RomanceOne of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough, resilient, and brave-just like her father, whom she's living with alone. After her sister died of cancer and her mother left for another f...