REMINDER : Don't missed even one chapter. Mawawala ka sa kwento.
Leign Cantabella's POV
7:48 pm.
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong tingnan ang oras sa wrist watch na suot ko.
Gabi na naman. Dumating na naman ang oras na masasaksihan ko ang kawalang-puso ng lalaking mahal ko na siyang tiniis ko ng dalawang taon magpa-hanggang ngayon.
Hinawakan ko ang doorknob nang may pagdadalawang-isip. Bubuksan ko ba o tatakbo paalis? Gusto kong iwasan na makita ang bagay na makakasakit sa'kin.
Kung sabagay, kahit ano ang piliin ko sa dalawang 'yon, masasaktan at masasaktan ako sapagkat alam ko kung ano ang nasa likod nito.
Bahala na . . .
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinikap na hindi gumawa ng ingay. Ngunit hindi ko paman tuluyang nabubuksan, nasaktan na ako sa naririnig ko.
"Babe, kailan mo ba hihiwalayan ang babaeng 'yon? Nagseselos na ako," dinig kong sabi ng kung sino sa fiance ko na sa tingin ko ay bagong babae niya. Ngayon ko pa lamang narinig ang boses nito.
"Don't be. You're better than her," Sagot niya at narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Inaasahan ko na iyon dahil hindi na bago sa'kin ang pang-iinsulto niya.
"Of course, I am." The girl laughs insultingly. "Duh? She has no class at all and besides she never reached the standards of a woman like me."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam ko naman na hindi ako 'yong tipo ng babae na kalolokohan ng fiance ko pero sana naman huwag nang isampal sa'kin ang bagay na 'yon. 'Wag naman sana akong ikompara sa kanila dahil pakiramdam ko bumababa ang pagkatao ko — ang pagkababae ko! Pakiramdam ko napakawalang-kwenta kong nobya sa kaniya dahil sa iba niya nahahanap ang dapat na makikita sa'kin.
Pero kung ano ang mas masakit? Nagmula pa iyon mismo sa bibig ng taong dapat na tinataas ako. 'Yong taong dapat hindi hinahayaan na makaramdam ako ng insecurity sa iba.
"Your smell's so nice. Shall we start?"
Nanginginig ang mga kamay ko at kasabay n'on ang malakas na pag-agos ng luha mula sa mata ko. May mabigat sa loob ko ang gustong kumawala. Gusto kong sumigaw at sugurin sila pero hindi ko magawa.
Wala akong lakas ng loob.
Nakatayo lang ako habang pinapanood sila.
B-bakit, Kyst?
Hindi ko namalayan na nakapasok na ako. Nanatiling sa kanila ang paningin ko at walang ibang nagawa kundi ang umiyak. Tulala ako at para bang bago lang sa'kin ang nakikita ko.
Nasasaktan ako. Dapat ako 'yan e. Dapat ako 'yong babae dahil ako ang fiance! Ako ang mahal!
"Hmmm, babe may nakatin — "
"Shhh, don't mind her. Let's empty our mind and enjoy our moment together."
Nasa akin ang tingin ni Kyst habang hinahalikan niya ang babae sa leeg nito. Walang emosyon ang mga mata niya, ngunit nararamdaman ko ang pagmamalaki niya sa ginagawang kahalayan. Napatanga ako. Hindi ako makapaniwala. Hindi manlang siya tumigil kahit nakita na niya ako.
Sinasadya ba niya?
Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko sa oras na ito. Bakit niya nagagawang mambabae sa harapan ko? Bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Dahil lang ba sa hindi ko maibigay ang gusto niya kaya siya nagkakaganyan? 'Yon lang ba ang habol niya sa'kin — ang katawan ko? Bakit hindi niya mahintay ang unang gabi namin at kailangan pang umabot ng ganito?
Mahal pa ba niya ako sa kabila ng ginagawa niya? Dahil ako? — Oo, mahal ko pa rin siya. Hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kaniya.
Huwag mo sanang hintayin na mapagod ako, Kyst. Dahil ako mismo hindi sigurado kung ipaglalaban pa ulit kita kapag sumuko na ako.
"I want to see more." Walang ano-ano biglang pinunit ni Kyst ang damit ng babaeng nakakandong sa kaniya. Patuloy niya itong hinahalikan mula sa leeg hanggang labi. Mas lumakas pa ang ingay nila sa buong bahay. Mapupusok ang palitan nila ng halik na para bang uhaw na uhaw sa isa't-isa.
K-kyst . . .
Gusto kong ihakbang ang mga paa ko. Gustong-gusto kong tumakbo palayo sa senaryong nakikita ko dahil hindi ko na nakakayanan ang nakikita ko. Masiyado na akong nasasaktan. Para akong pinapatay ng ingay nila.
Unti-unti mo akong pinapatay, Kyst. Tama na pakiusap. Sumusobra kana.
Buong pwersa niyang hiniga ang babae sa sofa. He suddenly ripped his shirt and he just kissing the girl so badly. Pinagpatuloy niya iyon habang pumapasada ang kamay niya sa kung saan na parang walang nakakakita sa kanila. Kita ko ang kasiyahan at sarap na nararamdaman niya. Ang mga pakiramdam na kailanman hindi ko naibigay.
P-pero pa'no naman ako, Kyst? Bangungot sa akin ang makita kang ganito sa araw-araw.
Dahil sa hindi ko na makayanan ang nakikita ko, nagkusa nang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo palayo sa kanila. Umakyat ako sa kwarto namin at gaya ng palagi kong ginagawa, magkukulong ako at iiyak.
————————————————————————————————————————————————————————————————

YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...