Chapter 51

1K 22 0
                                    


Leign's POV



"Pinangalan sa inyo lahat ng property at funds ni Mr. Trevino. Yes, those are for you, Ms. Cantabella," sabi ng secretary ni Kyst nang iabot niya ang isang folder na naglalaman ng mga papeles.



Tinanggap ko 'yon na puno ng pagtataka. Bakit sakin ipinangalan ni Kyst ang lahat ng mga ari-arian niya? Bakit hindi sa mga magulang niya o hindi kaya sa kapatid niya? Hindi ko 'to pinaghirapan kaya wala akong karapatang tanggapin ang mga 'to.



Binasa ko isa-isa ang mga papeles. Totoo nga, sa akin nakapangalan lahat.



"Bakit sa akin?" tanong ko.



Ngumiti siya. "I don't know either. Nakiusap siya sakin na ilipat ko sayo lahat, Ms. Cantabella. I'm sorry, I don't even have any idea about this kaya hindi ko masasagot ang tanong niyo."



"Sobra 'to. Pinaghirapan niya lahat ng ito, bakit sa akin ibibigay?" Ibinalik ko sa kaniya ang folder. "Pasensiya na, hindi ko matatanggap 'yan."



Hindi niya 'yon tinanggap at tiningnan lang ako.



"I'm sorry but I can't take it back. He made up his mind and he want you to spend those. Kayo na po ang bahala kung ano ang gagawin niyo sa mga binilin niya. From now on, my job has come to an end. I'm retiring."



Ano?



"Teka, bakit ka magr-resign?"



"Nagsilbi ako ng 10 years kay Mr. Trevino at sa kaniya ko lang ibibigay ang serbisyo ko. I actually supposed to resign right away when I heard he's going to be his brother's donor, but he pleased me for this. And now he's gone, I think that's how my job should be."



Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin nalang. Ten years siyang nanilbihan kay Kyst kaya mahirap para sa kaniya kung hindi ko ito tatanggapin. Iisipin niyang nabigo siya sa huling habilin ng taong minsan na niyang itinuring na kaibigan.

























"Hunny?" tawag sakin ni Calvin nang makapasok ako sa kwarto namin. Nakaupo siya sa kama at malungkot ang mga mata niyang nakatingin sakin, tila apektado din siya sa nararamdaman ko.



Dalawang buwan. Dalawang buwan na mula nang ihatid namin si Kyst sa huling hantongan niya. Marami ang apektado, lalo na sila tita at tito. Pero ngayon, malungkot man pero hindi na gaano, natanggap na nila — namin ang nangyari.



Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Nagpilit ako ng ngiti.



Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong mahirap tanggapin ang nangyari, pero 'wag mo naman sanang pababayaan ang sarili mo. You are stressed."





Hinawakan ko rin ang kamay niya. "Pasensiya kana dahil pinag-aalala kita, hindi ko talaga maiwasang malungkot e." hinawakan ko ang pisngi niya, ngumiti ako. "Pero di bale, mula ngayon aayosin ko na ang sarili ko para hindi kana mag-alala."





Tumango siya. "Please do it for yourself, Leign. Nahihirapan ako kapag nakikita kitang malungkot. Kapag malungkot ang mommy, malulungkot din si baby."



Halos sabay kaming napatingin sa tiyan ko, kita na ang baby bump ko. Tama siya, hindi maganda sa baby kung ganito ako, dapat maging matatag ako.



"Ang sama ko," mahinang sabi ko.



"Leign, bakit mo sinasabi 'yan?"





Winter In AutumnWhere stories live. Discover now