Leign's POVHeto na naman tayo sa kalbaryo ko. Paano ko ba susuyuin ang isang 'to?
Kanina pa ako hindi pinapansin ni Calvin simula nang bumalik siya matapos ang pag-uusap nila ng daddy niya. Naabotan niya kasing nag-uusap parin kami ni Kyst at sabayan pa na umiyak ang isang 'yon. Naipaliwanag ko na sa kaniya ang lahat pero parang barado ang magkabilang tenga niya, hindi niya ako pinakinggan.
"Ano ba, harapin mo nga ako," sabi ko pero hindi niya ako hinarap. Nanatili siyang nakatalukbong ng kumot at nakahiga sa kama. "Nagseselos ka ba?" tanong ko.
"Malamang, Leign! Kahit sino naman magseselos kapag nakita niya 'yong fiance niya na kausap ang ex," pagdidiinan niya pa.
Napabuga ako. "Nag-usap lang kami sandali, 'yon lang."
"Dapat hindi ko na kayo naabutang nag-uusap kung sandali lang 'yon!"
"Inayos ko lang ang sa pagitan namin para hindi na tayo gulohin. Nangako siya, he choose to move on."
Bigla siyang bumalikwas at hinarap ako na masama ang tingin. "Tss, naniwala ka naman? Who knows, he's planning something without us noticing it. Malay mong nagkukunwari lang 'yon pero ang totoo may balak siyang agawin ka sakin."
Natawa ako ng mahina. "Praning mo! As if naman magpapaagaw ako. Calvin, nasa'yo na ang puso kaya ano pa ang inaalala mo?"
Sumeryoso ang mukha niya. "Nag-aalala ako baka paggising ko isang araw bumalik ang nararamdaman mo sa kaniya. Hindi malabong mangyari ang bagay na 'yon, Leign. He's your ex lover at alam ko kung gaano mo siya kamahal noon, at alam ko rin na mas matagal mo siyang nakasama kesa sakin. Kaya anong laban ko sa kanya?"
Ngumiti ako, I pinched his nose. "Tama na sa pag-iisip ng ganyan lalo kalang mapa-praning. Sinisigurado kong hindi mangyayari ang bagay na 'yon, okay? Hindi babalik ang nararamdaman ko sa kaniya dahil lang sa minahal ko siya ng todo noon. At kung inaalala mo ang matagal na pagsasama namin, then let's break that record! Magsama tayo habang buhay."
Ngumiti siya. "Alam mo, buti nalang nandiyan ka. Isang salita mo lang, lahat ng pangamba ko nawawala. The thought of you makes me feel alive and it puts me in a better mood. What kind of magic is that?"
"That's what we called love not magic."
"Tch, ang corny mo buti nalang maganda ka."
Hinawi ko ang buhok ko. "Talaga? Maganda ako?"
"I will never have the words to explain how wonderful you are."
Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang nauwi iyon sa harutan, asaran at hampasan ng unan. Para kaming mga bata.
"Hahaha, kalalaki mong tao ang hina mo!" Natatawang sabi ko, hindi siya makaganti sakin.
"Don't underestimate me — AAARGH!!!"
Napahinto ako nang bigla siyang dumaing, napahawak siya sa dibdib niya.
"Calvin! A-anong problema?" taranta kong tanong. Ilang ulit niyang sinuntok ang dibdib niya at halatang nahihirapang huminga.
"I-im okay —"
"Hindi, Hindi ka okay! S-sandali lang hihingi lang ako ng tulong, dito ka — Calvin!"
Kanina pa ako nakatitig sa walang malay na si Calvin. Ilang oras na siyang nakaratay mula nang dalhin namin dito sa hospital kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Sana maging maayos ang lahat.
"Leign, umuwi ka muna para makapagpahinga ka. Kami na ang magbabantay kay kuya," sabi ni Kyst na nasa likuran ko.
Umiling ako at kasabay n'on ang pagpatak ng luha ko. "A-ayoko, Kyst, hindi ako mapapanatag kapag hindi ko siya makita. B-bakit ba kasi nangyari sa kaniya 'to e, masaya pa kami kanina tapos biglang ganito."
Bahagya niyang hinimas ang likod ko. "Shhh, okay, I won't insist. Basta sabihin mo lang kung pagod kana, ihahatid kita."
"M-magiging okay naman siya, hindi ba?"
"Of course, he will be. Malakas ang kuya ko kaya alam kong malalampasan niya 'to. You dont have to worry."
"S-salamat."
Ngumiti siya. "Ang swerte ng kuya ko dahil may babaeng nagmamahal at nag-aalala sa kaniya ng ganito. Please, lakasan mo ang loob mo, Leign. Masasaktan si kuya kapag nakita ka niyang umiiyak."
"H-hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, Kyst. P-pano kung ... paano kung — "
"Shh, stop thinking such thing, mas lalo kalang mahihirapan. Walang mangyayaring masama sa kaniya, okay? Sinisiguro ko sayo 'yan."
Ilang minuto lang dumating sila tita at tito kasama ang isang doctor.
"D-doc, kamusta siya?" alalang tanong ko.
Tumingin siya saming lahat. "It's a bad news. I'm terribly sorry but the patient has a heart failure. Kailangan niyang mag-undergo ng surgery sa lalong madaling panahon, hindi na maganda ang kondisyon ng puso niya. Kung hindi ito maagapan agad, I'm sorry, pwede niya itong ikamatay."
Napatakip ako ng bibig, hindi ko na napigilang maiyak.
"Mr. Trevino was my patient before. Ilang beses na kaming nag-usap tungkol sa kondisyon niya, kayalang natatakot siya sa mga posibilidad na pwedeng mangyari during the operation. As a doctor, our patient is our top priority that's why sinasabi ko sa inyo ito. Please, pilitin niyo ang pasyente na mag-undergo ng surgery," dagdag niya pa.
H-hindi, hindi to pwedeng mangyari! Nanaginip lang ako 'di ba? Wala siyang sakit! Hindi siya mamamatay!
"D-doc, please gawin niyo ang lahat para sa anak ko. Kahit ano gagawin namin basta iligtas niyo lang siya, p-pakiusap." dinig kong pagmamakaawa ni tita.
Lumapit ako kay Calvin at hinaplos ang mukha niya. Bigla nalang may bumagsak na luha ko sa pisngi niya.
"Calvin, 'w-wag mo akong iiwan, ha? Hindi ba nangako tayong magsasama habang-buhay? Itutuloy natin ang kasal natin at magkakapamilya. P-please 'wag sa pagkakataong 'to, nagsisimula palang tayo e. 'W-wag kang bibitaw lumaban kalang nandito lang ako ... M-mahal kita."
— Hwaenna
YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...