Leign's POV
Habang abala ako sa paghahanda ng mesa, biglang lumandas sa ilong ko ang amoy ng pabango ni Kyst.
My favorite scent of him.
Napatingin ako sa hagdan. Nakita ko si Kyst na bihis na bihis at suot niya 'yong necktie na binili ko n'ong nakaraang araw. Parang may kumiliti sa puso ko nang makita kong suot niya 'yon. Mas lalo siyang gumwapo.
Kayalang . . .
May kausap siya sa cellphone.
"Alright. See you there." Nagmamadali siyang bumaba habang nakatingin sa relos niya. Parang wala siyang balak na pansinin ako kaya mabilis kong hinarang ang sarili ko sa dinaraanan niya.
"M-may lakad ka ba? Kumain ka muna bago ka pumasok sa trabaho. Pinagluto kita," Sabi ko na may matamis na ngiti.
Masama niya akong tiningnan. "Eat yourself alone. Malulunok mo naman siguro ang mga 'yan kahit wala ako. Excuse me. I'm in a hurry."
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Nagsisimula na naman siya. Bakit ang sakit niyang magsalita? Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito?
Pinilit kong hindi damdamin ang sinabi niya. "N-nag-aalala ako sayo baka magutom ka sa trabaho. Kung g-gusto mo ipagdadala kita sa office mo. Wala naman akong ibang gaga- "
"May kakainin na ako mamaya and she's waiting for me right now. Mas masarap 'yon kumpara sa mga luto mo." Patukoy niya sa mga babae niya.
Pilit kong pinigilan ang luha ko. Ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong magalit na naman siya sakin.
Alam ko naman kung ano ang pagkukulang ko e - kung saan ako nagkulang. Nagkulang ako bilang babae. Naiintindihan ko siya kaya hindi ko siya magawang sumbatan. Hindi rin ako nagtatanim ng sama ng loob sa kaniya. Sa dalawang taong pangloloko niya sa'kin hindi ako nakaramdam ng galit.
P-pero . . .
Paano ko ibibigay ang sarili ko, Kyst, kung ganyan ka? Kung ganyan ang pinapakita mo. Kung nagiging asal-halimaw ka sa harapan ko. Binibigyan mo lang ako ng rason para hindi ibigay ang hinihiling mo sa relasyon natin.
Kahit kaunting malasakit lang, ipakita mo 'yon sa'kin. Ipakita mong karapat-dapat ka sa tiwala ko. Dahil kaakibat ng hinihiling mo ay tiwala ko.
P-pa'no kung. . . matapos kong ibigay sa'yo ang sarili ko ay iwan mo ako?
Gaya ng ginagawa mo sa mga babae mo.
"M-masaya ka ba sa ginagawa mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
Tumaas ang kilay niya. "What?"
"Yang pambababae mo. Masaya ka ba? Masaya ka bang nakikita mo akong ganito? Masaya ka bang umiiyak ako at nasasaktan? Nakikipaglampungan ka sa iba habang ako namamatay sa kaiisip na may ibang nagpapasaya sayo." Pahina na ng pahina ang boses ko at ramdam ko na rin ang pamamasa ng mata ko.
Umaasa akong mako-konsensiya siya sa mga sinabi ko. Akala ko makakaramdam siya ng awa sa'kin pero mali ako.
Isa nga palang halimaw ang kaharap ko ngayon.
Natawa siya ng mapakla. "You sure you wanna hear it ?"
K-kyst.
Sumeryoso ang mukha niya. "Masaya ako sa ginagawa ko, Leign. Sobra. Masaya ako dahil may ibang taong tumutugon sa pangangailangan ko na dapat ikaw ang gumagawa. Lalaki ako at may pangangailan. Dapat alam mo 'yon dahil fiance kita. You should understand me and also you have to understand why our relationship end up like this!" Kita ko ang galit sa mga mata niya. Nagsisimula na naman siya ng panibagong ikakasakit ko. "Don't blame me for causing you pain. Don't blame for causing your life miserable where in fact you're the one who's hurting yourself . . . Kung hindi mo lang sana pinagdamot 'yang sarili mo sa'kin hindi tayo aabot sa ganito." His face is getting too close. "Blame yourself, Leign. Blame yourself. "
Dahil lang sa isang bagay na hindi ko pa handang ibigay?
"K-kyst para lang d'on nagkakaganyan kana? Hindi ko naman sinabing hindi ko ibibigay, 'di ba? Ang sabi ko hindi ko muna ibibigay. 'Yon lang ba talaga ang habol mo sa'kin? Ang katawan ko? Ang pagkababae ko?" Natawa ako ng mapakla. "Hindi ako aware na sex na pala ang batayan ng pagmamahal ngayon!"
"Hindi mo ako naiintindihan!" Galit na sigaw niya.
"Ikaw ang hindi nakakaintindi!" Sigaw ko pabalik. "Hindi hamak na mas nahihirapan ako sa sitwasyon natin, Kyst! Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin ang makita kang nakikipag-kangkangan sa iba?"
"Then leave me alone! And be alone, Leign. Ilang beses ko nang hiningi sa'yo ang kalayaan ko, bakit hindi mo magawa?" Natigilan ako. "Leign, I'm looking for a woman who can make me happy and I thought it was you! But I was wrong 'cause you never wanted to do what makes me satisfied in this fucking relationship! And I regret it! I regret being with you! "
"K-kyst."
Umiwas siya ng tingin at huminga siya ng malalim. "Enough with this. Mamaya na tayo mag-usap kapag kalmado kana."
————————————————————————————————————————————

YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...