Leign's POVIt's been five years since he had gone to his last resting place, yet his memories remain. He's alive. Inside my heart. I will never forget him. Even though it may be painful, I will always carry him in my heart.
"Ang ganda." nakatingala ako at pinagmamasdan ang mayayabong na bulaklak ng Crepe Myrtle Tree. Ito 'yong buto noon na itinanim ko sa puntod ni Kyst. Hindi ko akalain na mabilis pala itong lumaki at ngayon nakikita na ang ganda nito.
"Mommy, are you still thinking about tito Kyst?" my daughter asks. She's Kyleign Calysta Trevino, our adorable daughter. Sinunod namin ang pangalan niya sa aming tatlo.
Kinarga ko siya, I kissed her cheeks that made her giggles.
"Kind of, baby. But I'm watching these flowers. Look, ang ganda nila, hindi ba?" turo ko sa taas kaya napatingala siya.
"Yes po, mommy. What is this tree called again?" tanong niya.
"It's Crepe Myrtle Tree. A tree that symbolizes love."
"Mukhang nagkakasiyahan ang mag-ina ko, ah?" boses 'yon ni Calvin.
Nilingon ko siya at saktong palapit siya sa amin. Hinalikan niya muna ako sa noo bago kunin ang anak naming si Kyleign.
"You're too heavy baby, mahihirapan si mommy kung lagi kang magpapakarga."
Natawa ako the way magsalita si Calvin sa anak namin. Ang ganda pagmasdan ng mag-amang 'to. Matagal kong pinangarap na magkaroon ng isang masayang pamilya at ngayon nagkatotoo na. I am so blessed, dahil hindi lang ako biniyayaan ng isang mapagmahal na asawa kundi pati narin ng isang mabait at malambing na anak.
"Let's go, nakahanda na ang lahat." inalok ni Calvin ang isang kamay niya at masaya ko iyong tinanggap. We held each other's hands as we going somewhere nearby.
Nang makarating na kami, naupo kaming dalawa sa bermuda grass, habang ang anak namin ay masayang pinapakain ang aso niya. May mga pagkain ding nakahanda sa isang picnic blanket.
Pinagmasdan ko ang tanawin sa harapan namin. Hindi nakakasawa, napakaganda parin ng lugar at hindi nagbabago. Gaya parin ng dati.
"I'm used to love this place. Since n'ong una tayong nagpunta dito, napamahal na ako agad," dinig kong sabi ni Calvin na nakatanaw din sa view na pinagmamasdan ko.
"Kahit naman sino mapapamahal dito. Ang ganda kaya," pagmamalaki kong sabi.
"Dito kayo madalas pumunta ni Kyst noon, diba? " casual na tanong niya. Ang tonong 'yon ay walang halong panunumbat o kapintasan.
"Oo, pero n'ong hindi ko pa siya nakikilala madalas na ako pumunta dito. " natawa ako. "Hindi mo lang naitatanong, madalas ako mag-cutting class n'ong high school pa ako para lang makapunta dito. Mas gusto ko pang pagmasdan ang tanawin dito kesa sa kilay ng teacher namin."
Natawa din siya. "Haha, kahit siguro ako gagawin ko din 'yon. Buti hindi ka napagalitan."
"Syempre hindi, dahil hindi naman siya ang adviser ko. Wala 'yong pakialam sa mga estudyante niya, dahil magturo man siya o hindi, may bumagsak man o wala, hindi mababawasan ang sweldo niya."

YOU ARE READING
Winter In Autumn
RastgeleKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...