Kyst POVOne day before the operation.
"Mukhang pagod kana," alalang sabi ko kay Leign sabay abot ng coffee sa kaniya.
Lumingon siya sakin bago kunin ang coffee sa kamay ko. Sa nakikita ko sa kaniya, parang pasan-pasan niya ang mundo. Halatang pagod na at puno ng pag-aalala, masama 'yan para sa baby nila. Nahihirapan siya sa sitwasyon niya, yet still she's fighting. Malakas at matatag siyang babae that's why I adore her more.
"Ayos lang ako, 'wag kang mag-alala. Nga pala, hindi mo ba bibisitahin ang kuya mo?" she asked me before taking a sip from the cup.
Umupo ako sa tabi niya. "Pinuntahan ko na siya kanina at nagka-usap kami. At isa pa malalim na ang gabi baka nagpapahinga na 'yon."
"Alam mo ba, natatakot ako sa tuwing natutulog siya, baka kasi hindi na siya magising e." she started crying.
I tapped her back. "Ikaw lang din ang nagbibigay ng takot sa sarili mo, 'wag kang mag-iisip ng ganyan baka makasama sa baby niyo. Don't worry walang mangyayaring masama kay kuya, sinisiguro ko sayo 'yan."
She smiled at me. "Mmm, salamat ha? Dahil sayo gumagaan ang pakiramdam ko ngayon."
I smiled back. "No problem, basta para sayo. Sige na, 'wag kana malungkot, sandali lang 'to, magiging maayos din ang lahat."
Nakakatuwa, dahil sa munti kong paraan natutulongan ko siya.
Ang totoo, ako ang nakipagkita kay Leign ngayon. Gusto ko siyang makita bago ako mawala bukas. Limitado nalang ang panahon ko, at ilang oras nalang ang itatagal ko sa mundo kaya gusto kong ubusin 'yon kasama siya. Kahit sa huling segundo ng buhay ko gusto ko siyang makasama.
Dahil hindi na ito mauulit kailanman.
"Leign, pwede magtanong?" basag ko sa sandaling katahimikan.
She looked at me. "Ano 'yon?"
"Pwede mo ba ako samahan sa secret place natin?"
"Tanong ba 'yan o humihingi ka ng pabor?"
Natawa ako. "Pareho."
"Sige, okay lang. Kailan?"
"Mmm, bukas."
She nodded. "Sige bukas. Teka, bakit mo naisipang yayain ako d'on?"
Dahil gusto kong mapuntahan ulit natin 'yong lugar kung saan tayo unang nagkakilala. Gusto kong maalala bago ako mawala.
Ngumiti ako. "Lately, napapansin ko stress kana sa nangyayari. Kailangan mo munang kalimutan ang problema mo para makapag-isip ka ng maayos."
"Sabagay ... Sige bukas punta tayo."
Thank you.
"Pwedeng magtanong?" tanong ko ulit.
"Nagtatanong kana hindi ba?"
Tch.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Alam mo minsan wala sa ayos kung magpatawa! Sige, pwede bang magtanong ulit?"
Natawa siya. "Sige."
"Ahm, anong gusto mong pagkain para bukas? Magpicnic tayo d'on gaya ng dati," sabi ko.
"Dating-gawi, bili tayo street foods at matamis na inomin," suhestiyon niya.
Tumango ako. "Noted, ako na bahala bumili ng mga 'yon. Susunduin kita bukas."
"Magpapaalam muna ako kay Calvin, alam mo namang seloso 'yon."
I smiled. "Hindi na kailangan, siya na mismo ang humiling sakin na ipasyal kita dahil masiyado kanang nag-o-overthink sa nangyayari. Gusto niyang ma-relax ka muna."
Tumaas ang kilay niya. "Kung ganon nagkaayos na kayo? 'Di nga?"
"Oo, matagal-tagal na ilang araw matapos siyang ma-confine. Nag-usap na kami at nagkapatawaran. At higit sa lahat, ayaw naming naiipit ka sa gulo naming dalawa, ikaw lang ang mahihirapan."
"Masaya akong marinig 'yan. Nga pala, hintayin natin 'yong sunset bukas."
Agad akong nakaramdam ng lungkot nang banggitin niya ang bagay na 'yon.
I'm sorry, Leign, hindi na ako aabot hanggang sunset, dahil bukas ng hapon, mawawala na ako at hindi mo na makikita pa. I would love to do that, I badly want watching sunset with you but the time can't favor it for us. Gusto ko mang pagbigyan ka pero hindi na kakayanin ng oras.
"Leign, I may not give that to you. Kailangan kong umalis bago mag 2:00 pm bukas."
Taka niya akong tiningnan. "Aalis ka? Saan ka pupunta?"
Hangga't maaari gusto kong ilihim sa kaniya 'to, ayokong malungkot siya. Tama na 'yong pasakit na ibinigay ko sa kaniya noon, siguro ito nalang ang tanging paraan para makabawi sa kaniya. Ngayon alam ko na kung ano ang silbi ko sa mundong ito.
Ang maisakatuparan ang kaligayahan ng babaeng kasama ko ngayon.
Pinilit kong ngumiti. "Sa malayo. Pupunta ako sa isang malayong lugar."
"B-bakit? Lalayo ka ba dahil samin?"
I shook my head. " Hindi, may sarili akong dahilan. Maiintindihan mo rin ako balang araw."
—Hwaenna
YOU ARE READING
Winter In Autumn
DiversosKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...