Leign's POV
"Fuck your dumbass idea! Gusto mong huminahon ako? How? Tell me how would I? Hindi pa bumabalik ang fiance ko paano ako hihinahon?!"
Nasa labas pa lamang ako ng bahay umaalingawngaw na ang boses ni Kyst. Inaasahan ko pa naman na ungol nila ng babae niya ang bubungad sa tenga ko pero sigaw niya pala. Anong nangyayari sa kaniya?
Pumasok ako sa loob at kita kong balisa siya habang may kausap sa phone. Ilang beses siyang nagpipipindot d'on, halos itapon na ang cellphone dahil sa galit niya. Praning talaga.
Batay sa naririnig ko pinapahanap niya ako. Napailing ako sa itsura niya. Napapahilamos nalang ito at minsan sinasabunutan ang sarili.
11:00 pm na ako nakauwi. Nalaman ko kasing umuwi na si mama galing US. Nagpasundo siya sa'kin kaya hindi ko natanggihan. Hindi na ako nagpaalam kay Kyst dahil tulog pa siya kanina, at isa pa wala akong balak magsabi.
"Leign." Pinatay niya agad ang phone nang makita ako, puno ng pag aalala ang mukha niya.
Mabilis siyang lumapit sa'kin at tatangkain sana akong yakapin pero bigla ako ng lumayo kaya hindi na niya naituloy ang binabalak. Mula kasi n'ong nagbago ako hindi na siya nakakayakap o nakakahalik, hindi ko na 'yon pinayagan.
Kahit kailan, hindi na.
"Love, where have you been? Pinag-alala mo ako," Alalang sabi niya.
"Diyan lang sa tabi-tabi, nagpahangin," Walang-buhay kong sagot.
Kumunot ang noo niya nang makita ang pasa sa gilid ng labi ko. Napaaway ako kanina habang papauwi. May sumugod sa'king babae niya.
"What the hell, Leign. Where did you get that?" Lumapit siya sa'kin at sinuri ang mga pasa ko.
Tinabig ko ang kamay niya. "Wala, may nangyari lang. 'Wag kang mag-alala umuwi naman ako ng buhay, 'di ba?"
Nagugulat pa rin siya kapag hindi maganda ang lumalabas sa bibig ko. Hindi siya masanay sa kagaspangan ng ugali ko.
"Come on, let me treat your wounds." Hinila niya ako papuntang sofa pero agad ko siyang pinigilan.
"Wag na. Magagamot ito ng tissue lang." Pinagdiinan ko ang salitang tissue para ipaalala sa kaniya ang nangyari noon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagbato niya sa'kin ng tissue sa mukha n'ong minsan nasugatan ako dahil sa babae niya.
Dahan-dahan itong humarap sa'kin, wala akong ibang nakikita sa mukha niya kundi ang sakit, lungkot at pagsisisi. Siguro naalala din niya ang insidenteng 'yon.
"Please, not now," Pagmamakaawa niya.
"Yong first aid kit natin diyan, itabi mo yan baka may pumunta ditong babae mo at kailanganin niya 'yan."
YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...