Harry's POV"Gising, nandito na tayo!"
Nagising ang loko at napatingin sa bintana ng kotse ko. Ayos, nakaistorbo pa sa'kin ang isang 'to. Ito talaga ang ayaw ko kapag umiinom kaming dalawa e! Ang ending siya lang malalasing at ako ang tagahatid.
Bakit hindi nalang siya mag-hire ng personal driver para hindi ako naaabala?
Huminga siya ng malalim at muling pumikit. Halatang inaantok pa ang loko. Naghintay ako ng ilang minuto bago tingnan siya ng masama.
Wala ba siyang balak bumaba?
"Hoy, baba na!"
"Ayoko pa." Mahinang sagot niya at bigla nalang lumungkot ang mukha. "Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya."
Ay, buti alam mo! 'Yan kasi tangahan mo pa. Lagi ka kasing agresibo 'yan tuloy napapala mo. Pati si Leign na walang ginagawa sinaktan mo.
Magdusa ka dyan!
"Baba na. Puntahan mo si Leign. Suyuin mo, kausapin mo at magsorry ka sa kaniya. Hindi 'yong nagmumukmok ka diyan at wala kang mapapala kung magb-breakdown ka nalang. Hindi pa naman siguro huli ang lahat, diba? Mahal na mahal ka n'on kaya umasa kang papatawarin ka niya." Pagpapagaan ko sa loob niya. Kilala ko si Leign. Mabait 'yon!
Mapait siyang ngumiti at parang may malalim na iniisip. Malamang nag-iisip na 'to kung pano aayusin ang relasiyon nila at pati na ang sarili niya.
Bigla nalang siya napatuwid ng upo, gulat ang itsura niya.
"Bakit?" I asked him.
Parang nawala ang kalasingan niya. "Shit!"
Mabalis pa sa alas-kwatro ang pagbaba niya ng kotse at tumakbo papasok sa bahay nila. Napatakbo na rin ako kahit hindi ko alam kung bakit siya napatakbo. Sinundan ko siya hanggang sa mapadpad kami sa isang madilim na bahagi ng bahay. Isang bodega.
Aano dito?
"Leign!" Sigaw niya at pinaghahampas ang pinto.
Leign? What the —
Nasisiraan na ba siya? Bakit niya kinulong si Leign dito? Alam naman niyang takot ang fiance niya sa madilim na kwarto kapag mag-isa. Nakakatangina!
"Tangina mo, Kyst! Nasa'yo ang susi buksan mo!" Napasigaw na ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdam ko. Nagpa-panic ako and at the same time galit ako sa kaibigan ko!
Taranta niyang kinapa ang bulsa niya pero wala. Hindi niya mahanap ang susi. Kaya napagdesisyonan nalang namin na sipain ang pinto hanggang sa masira at bumukas.
Pareho kaming nagulat sa tumambad samin. Nakahandusay si Leign sa sahig at halatang nawalan ng malay. Nilapitan namin siya.
Anong ginawa niya?
"L-leign, wake up! Please gumising ka."
Sinuri ko ang noo ni Leign. "Shit! Mainit siya. Kailangan siyang madala sa hospital."
"As of now stable na ang vital signs ng patient pero kailangan niyang ma-admit for observation," sabi samin ng doctor na in charge kay Leign.
"Bakit siya hinimatay, Doc?" Tanong ko. Alam ko naman ang sagot. Gusto ko lang ipamukha sa kaibigan ko ang ginawa niya.
"Well, common causes of that case, maybe, hindi pa siya kumakain o hindi kaya naman sa sobrang pagod kaya hindi nakayanan ng katawan niya. Pero . . ."
"Pero?"
Sumeryoso ang mukha ng doctor. "May nasabi o naikwento ba ang pasyente sa inyo tungkol sa problema niya? May pinagdadaanan ba siya?"
Pareho kaming natigilan ni Kyst. Kumunot ang noo ko. "Bakit doc?"
"There are some reasons why the patient fainted. Maybe she's in pain, distress or she has anxiety. Wala ba siyang nasasabi sa inyo? As a doctor, we need every details for the sake of our patient. Kung may napapansin kayo sa kaniya please tell us right away."
"W-wala naman po." I lied. "Pero sige doc sasabihan nalang po namin kayo kapag may nalaman kami."
"Thank you. Kapag nagising na siya tawagin niyo kami agad."
Pagkalabas ng doctor hinarap ko agad ang kaibigan kong magaling. Nakatitig siya kay Leign at kita ko ang pangingilid ng luha niya. Sising-sisi ka ngayon? Ulol.
"See? Kasalanan mo!"
"I know," Mahinang sabi niya, hinawakan niya ang kamay ni Leign. Gusto ko sana maging bitter sa nakikita ko kaya lang hindi ito ang tamang oras.
"Anong plano mo?" Tanong ko.
"I d-don't know, wala akong maisip. Lahat ng paraan hindi pa sapat. Kahit ibigay ko ang buhay ko kulang pa." And this time, tumulo na ang luha niya. Ito ang unang beses na makita ko siyang umiyak. Dati-rati umiiyak lang 'yan sa sobrang tuwa — dahil kay Leign.
"Sabi mo hindi mahilig sa materyal na bagay si Leign, 'di ba? Magsorry kalang sa kaniya at dapat makikita ang sinseridad sa mukha mo. Papatawarin ka niya sigurado ako dahil nga mahal ka niya. At kapag nagkaayos na kayo, please lang, Kyst, 'wag mo nang uulitin 'to. Hindi makatao e."
He just nodded kaya gumaan ang loob ko. Kilala ko ang kaibigan ko na 'yan. I'm sure hindi na niya uulitin 'to. Mahal niya pa si Leign at hindi mawawala sa kaniya 'yon. Sadyang nadala lang siya sa tawag ng laman niya.
"I-im sorry, love. I'm really sorry." He kissed her forehead. "I failed as your man."
———————————————————————————————————————————————
YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...