Chapter 41

754 21 3
                                        


Leign's POV






Hindi ko kayang harapin ang mga taong nandito ngayon, hiyang-hiya ako. Wala akong kasalanan pero pakiramdam ko ang laki ng atraso ko sa kanila. Sa oras na 'to, gusto ko nalang umuwi o hindi kaya'y lamunin nalang ng lupa para lang makaiwas sa kahihiyang 'to.






Naramdaman kong hinawakan ni Calvin ang kamay ko sa ilalim ng mesa. I feel ease the way his fingertips comfort me, he can easily reduce the nervous I feel right now.






"Mom.. Dad." Calvin's started.






"Anak, bakit si Leign?" nanlulumong tanong ni tita sa kaniya, ang mama niya, ang mama nila ni Kyst.






Nandito kami sa bahay nila para ipakilala ako. Ang totoo, hindi pa ako handang humarap sa kanila dahil sa relasiyong meron samin noon ng anak nilang si Kyst. Wala ako sa lugar niya pero alam kong nasasaktan siya para sa anak niya. Nasasaktan din ako para kay tita lalo na kapag naaalala ko n'ong panahong nakiusap siya sakin na balikan si Kyst.






"Magpapakasal na kami," dagdag ni Calvin.






"Is that true, Leign?" tanong sakin ng daddy niya.






Tipid akong tumango. "O-opo."






Lumipat ang tingin niya kay Calvin. "Calvin, alam mong siya ang babaeng minamahal ng kapatid mo? Hindi mo ba naiisip kung ano ang mararamdaman niya?"






"Dad, hindi si Kyst ang issue dito. Kami."






"Hindi niyo pwedeng ituloy ang kasal." maotoridad na utos niya.






"Bakit hindi?" hindi natutuwang tanong ni Calvin.





"Dahil mahal siya ng kapatid mo. Sa tingin mo ba makakayanan ni Kyst na makita kayong kinakasal samantalang siya nasasaktan at nagsisisi parin sa nangyari? Walong taon kong nasaksihan kung paano parusahan ng kapatid mo ang sarili niya, at ngayon papatayin niyo siya sa gagawin niyo."





Nakaramdam agad ako ng tensyon sa kanilang dalawa. Nang dahil sakin, nagkakaroon ng argumento si Calvin sa ama niya. Pakiramdam ko makakasira ako ng pamilya, 'yon ang ayaw ko sa lahat. Gustohin ko mang pigilan sila, hindi ko magawa. Natatakot akong magsalita.






"Hindi na namin kasalanan 'yon, dad! Wala kaming ginagawang masama at wala akong nakikitang mali sa relasyon namin ni Leign. Kung nasasaktan man namin ang kapatid ko pwes labas na kami d'on! Hindi siya magkakaganyan kung sa umpisa palang pinahalagan niya si Leign. We all know what exactly he have done to this woman when they were still together."






Natahimik kaming lahat. Hindi nila kayang kumbinsihin si Calvin na itigil ang kasal namin at hiwalayan ako dahil lang sa mararamdaman ng anak nila. Wala akong ibang nararamdaman sa oras na ito kundi ang hangaan ang lalaking katabi ko. Hinahangaan ko ang paninindigan ni Calvin sa nararamdaman niya, pinaglalaban niya ang pagmamahalan namin. Siya lang 'yong tao na kaya akong ipaglaban kahit na anong mangyari, kahit pamilya pa niya ang tumutol.






Tama ang naging desisyon ko na mahalin siya.






"Leign." tawag sakin ni tita, napalingon ako sa kaniya. "Bakit si Calvin? Bakit ang anak ko pa? Kung ibang tao lang ang minahal mo, wala kang maririnig samin."






"Mom, tumigil kana, walang kasalanan dito si Leign. Too late nang malaman niya ang ugnayan namin ng kapatid ko," sita ni Calvin.






Hindi nakinig si tita sa kaniya. "Bakit ikaw pa ang minahal ng mga anak ko? Nang dahil sayo, maaaring masira ang relasiyon nilang magkapatid. "






"Mom, matagal nang sira ang relasiyon namin ng kapatid ko!" putol ni Calvin sa mataas na boses. "hindi niyo ba alam? Nang dahil sa kalokohan ni Kyst, napilitan ang talikuran ang pangarap ko! Ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit lumayo ako sa pamilyang 'to matapos ang surgery? dahil sa anak niyo! Kaya wala nang masisira dahil matagal nang sira ang relasiyon namin!"






Kinwento ni Calvin ang nangyaring insedente na kinasangkutan niya. Ramdam ko ang sakit at hirap na pinagdaanan niya habang kinekwento ang pangyayaring 'yon. Parang sariwa parin sa kaniya ang nangyari. Wala akong alam tungkol d'on, ngayon ko palang narinig ang trahedyang kinasangkutan niya.






Nakaramdam ako ng awa. Hindi ko alam na meron siyang dinadalang ganong kabigat na bagay dahil sa palagi siyang nakangiti, lalo na kapag kaharap niya ako. Anong klaseng fiance ako? Wala akong kaalam-alam tungkol sa kaniya.






"A-anak, bakit ngayon mo lang sinabi samin 'yan?" naiiyak na tanong ni tita.






"Wala kayong oras sakin noon, laging si Kyst ang inaatupag niyo. Minsan nga pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya."






"Ano? Anak, bakit mo sinasabi 'yan? Oo, nagkulang kami pero ginagawa namin lahat para sayo, hindi ba? Mahal na mahal ka namin ng daddy mo, kaya 'wag mong iisipin na hindi ka parte ng pamilya."






"Mom, kung talagang may pagmamalasakit kayo, at kung totoong anak parin ang tingin niyo sakin, hayaan niyo na akong sumaya kasama ang babaeng mahal ko. Sa katunayan, hindi ko kelangan hingin ang permeso niyo dahil papakasalan ko siya kahit tumutol pa kayo. Kayalang, ginagalang ko parin kayo dahil kayo ang mga magulang ko, kaya nandito ako para ipakilala siya ng pormal. Itutuloy namin ang kasal kahit hindi niyo ibigay ang basbas niyo."






"Anak — "






"Mom, dad , buong buhay ko laging si Kyst ang inaalala niyo. Pwede bang sa pagkakataong 'to, ako naman? Ako naman ang alalahanin niyo. Anak niyo parin naman ako, hindi ba?"







"Hindi na ba mababago ang isip mo?" tanong ni tita.






"Hindi na." naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sinasabi ko sa inyo, si Leign ang babaeng kaya akong ipaglaban ng patayan. Sa kaniya lang ako sumaya ng ganito, sa kaniya ko lang naramdaman na mahalaga ako. She make me feel like I am matter. Wala akong balak na iwan siya dahil lang sa tutol kayo. Mom, dad, 'wag sana kayong masasaktan sa sasabihin ko, mas mahal ko si Leign kesa sa inyo."









— Hwaenna

Winter In AutumnWhere stories live. Discover now