Chapter 24

1.1K 48 6
                                    


Kyst's POV







I sprayed perfume all over my clothes and pulses. Leign's really like this scent. She always said that everytime na naaamoy niya ako. I must wear this perfume wherever I go.












Bumaba ako sa sala para yayain siya. I wanna grab some date with her. I want to take her into a fancy restaurant and spoiled her with those classy foods.







Got you!







Napangiti ako nang makita ko siya. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong madalas na akong nakangiti most especially when I'm with her. Iba talaga ang sayang naibibigay niya sa'kin. Ang lakas ng tama ko sa kaniya.







"Love!" I called her, she faced me.







Nilapitan ko siya nang hindi nawawala ang ngiti ko. Sana maamoy niya ako ngayon.







Please, amoyin mo ako, Leign, and give me some compliment after.







Mas lumawak ang ngiti ko nang mapansin kong gumalaw ang ilong niya habang nakatitig sa suot ko. Inaamoy niya ako.







Umangat ang tingin siya sa'kin.








Kahit gaano ka pa kagalit sa'kin, alam kong bibigay ka sa pabango ko.








"Ang pabango na 'yan, gustong-gusto ko." She smiles, I bite my lip.







Tumikhim ako at sumeryoso ang tingin sa kaniya. "Yon lang ba ang napansin mo? How about my polo?"








Taka niya akong tiningnan at pilit na inaalala ang suot ko. Imposibleng hindi niya 'to matandaan dahil siya mismo ang nagbigay sa'kin nito. Bakit hindi niya maalala?








"Anong meron sa suot mo?" Inosente siya akong tiningnan.







Hindi niya natandaan.







"Binili mo 'to para sa'kin, last year to be exact. Regalo mo n'ong birthday ko. Psh, buti pa ako naalala ko samantalang ikaw na galing sa'yo hindi mo matandaan."







Sandali niyang inalala ang sinabi ko, she nodded. "Naalala ko na  . . . Akala ko itinapon mo na 'yan hindi ko kasi nakitang suot mo."








"Sinadya ko talagang hindi suotin dahil balak kong suotin 'to sa birthday ko this year. Hindi ko ba nasabi 'yon sa'yo?"








Napatango siya. "Ahh, naalala ko na. Mmm, bagay sayo."








"Talaga?" I bite my lip once again and my lip formed a genuine smile  . . . Shit! Her compliments make me weak.







"Teka, may lakad ka?" Pag-iiba niya ng usapan.








"Tayo . . . May lakad tayo," Pagtatama ko at hinawakan ang kamay niya.







Kumunot ang noo niya. "Saan?"







"I want to take you on a date. Let's have some lunch."








Winter In AutumnWhere stories live. Discover now