Chapter 49

870 29 14
                                        


Leign's POV






Ilang oras na mula nang magsimula ang operation pero hanggang ngayon wala paring lumalabas na doctor. Halos lahat kami balisa at walang kasiguradohan sa mangyayari. Hindi namin alam kung magiging successful ba ang operation o hindi. Nakasalalay dito ang buhay ng ama ng magiging anak ko.






Calvin.






Naupo ulit ako dito sa labas ng operating room, kagat-kagat ang hinlalaki dahil sa nararamdamang nerbyos. Habang si tita ay yakap-yakap ni tito, pati din sila nag-aalala para sa anak nila.





Pagkalipas lamang ng ilang minuto, lumabas ang doctor kaya agad kaming lumapit sa kaniya.






"Doc, kamusta ang operation? Ang anak ko ligtas ba siya?" tanong ni tita.






Ngumiti ang doctor samin dahilan para gumaan ang pakiramdam ko. It's gonna be a good news.





"Successful ang operation ng patient but unfortunately wala pa siyang malay hanggang ngayon. We need to confine him until he get conscious."






Halos sabay-sabay kaming napabuga ng hangin na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabuti nalang successful ang operation, ibig sabihin ligtas siya. Ligtas si Calvin.






Pero ...






"Doc, gusto sana naming pasalamatan ang pamilya ng donor ni Calvin. Sino ho ba 'yong donor?" hindi ko na napigilang magtanong. Ilang beses akong nagtanong tungkol sa bagay na 'yon pero lagi niyang nililihis ang usapan.






Biglang nag-iba ang reaksiyon ng mukha niya, nawala ang ngiti sa kaniyang labi at biglang lumungkot ang mga mata niya.






B-bakit ganito? Bakit bigla akong kinabahan?






"Sumama kayo sa office ko," sabi niya bago kami talikuran.






Kahit nagtataka, sumunod kami nila tita at tito sa kaniya. Pagkapasok namin sa office niya, dumiretso siya sa isang table at may kinuha sa drawer.






Lumapit siya samin at may iniabot na sobre. Two envelopes.






"Kyst asked me to give these letters after the operation. He explained everything through these," sabi niya. Kinuha ko iyon at takang tiningnan.






Si Kyst? Bakit siya may mga ganito? Para saan?






Bumilis ang tibok ng puso ko, nanginginig ang mga kamay ko. Wala akong ideya pero may kutob ako, at masama ang kutob ko sa bagay na 'yon.






"D-doc, a-anong ... " sumisikip ang dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga.






"Kyst is the heart donor of the patient. He volunteered to give his heart for his brother to be saved him from death. I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi ang tungkol sa bagay na 'yon. He asked me not to tell you about this."






A-ano?






S-si Kyst ang donor? Akala ko umalis lang siya - hindi, namali lang ako ng dinig, hindi ba? Hindi siya ang donor!






Napatakip ako ng bibig, nagbagsakan ang luha ko kasabay ng pagbigay ng lakas ko, napaupo ako sa sahig. Ang hirap isink-in sa utak ang mga sinabi ng doctor.






Parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko, ang sakit. Ayokong paniwalaan pero 'yon ang pinaniniwalaan ng puso ko.






P-patay na si Kyst.






"H-hindi ... panaginip lang 'to. Buhay pa siya."






Umalis lang siya, hindi pa siya patay!






Narinig ko ang malakas na pag-iyak nila tita at tito kaya d'on ko lang napagtanto na totoo ang lahat ng 'to. Hindi ako nananaginip. Totoong wala na si Kyst.






"K-kyst." paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya, nagbabasakaling magpakita siya sakin ng buhay. Nagbabakasakali akong susulpot siya bigla sa likod ko, ngingiti sakin at sasabihing nagsisinungaling lang ang doctor.







Kyst hindi totoo 'to, hindi ba? Buhay ka pa. P-please magpakita ka sakin.



















I'm sitting on a bench staring the envelope that the doctor handed me over a while ago. Hindi ko pa ito nabubuksan, tanging pagtitig lang ang ginawa ko dito kaya hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng sulat. Pero sigurado ako, isa itong sulat ng pamamaalam.







Huminga ako ng malalim at dahan-dahan ko itong binuksan. Ang ganda ng sobre pati na ng sulat-kamay, tiyak na pinaghandaan niya ito.







May tumulong luha mula sa mata ko kaya nabasa ang parteng napatakan n'on.









'Dearest Angry Bird,


Hi, how are you doing? Hope you are fine. I don't want to greet you a good day dahil alam kong nasasaktan ka ngayon. I know once na mabasa mo ito, wala na ako. I never thought I would be writing you this letter. I never thought our story would be over, but it is, I've said goodbye. I'm really sorry, I'm not expecting this as our future.

Ang totoo, wala akong lakas ng loob sabihin sayo ito dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. I never wanted this to happen, but it did. I need to ...









Napatakip ako ng bibig at napahagulgol.









... Don't cry, please. Maraming beses na kitang pinaiyak so please not this time. I want you to know that I am not blaming you. I will do this to make you happy, gusto kong makabawi sayo sa lahat ng mga pananakit ko noon at ito lang ang naisip kong paraan.

Maniwala ka wala 'yong kaso sakin, sapat na ang sumaya ka na kasama si kuya. Alam kong mamahalin ka niya higit pa sa pagmamahal ko. May tiwala ako sa kaniya kaya mapapanatag ako sa kabilang-buhay.

And before I forgot, your birthday will be this upcoming month. I reserved your favorite resto where our first date happened, and I also reserved the entire amusement park that day just for you. Ako mismo ang nag-asikaso lahat ng 'yon dahil gusto kong ubosin ang effort ko sayo bago ako mawala. Siniguro kong bago ang operation, nasa property mo na ang lahat ng mga ari-arian ko ...






K-kyst.






... Lastly, I want to thank you, for being the most wonderful person I have ever met. You are so understanding, so loving, so kind. You are the greatest girlfriend ever. I love you, my angry bird.'

Kyst








—Hwaenna

Winter In AutumnWhere stories live. Discover now