Chapter 14

1K 41 1
                                    


Leign's POV







Abala ako sa paglilinis ng bahay nang biglang may pumasok kaya nilingon ko siya. Isang babaeng ng nakasuot ng masikip na damit at tipid ang tela.







Maganda siya, makinis at sexy. Sa madaling salita, siya 'yong tipo ng babaeng kinahihiligan ni Kyst.







Bakit siya nandito?







"Hi? Ikaw siguro 'yong katulong dito? Give me some water please kasi naman I feel exhausted na eh, galing kasi ako sa biyahe." tumingin siya sa paligid. "ang layo pala ng bahay ng boyfriend ko."







Boyfriend?







"Sino ka?" tanong ko.







Tumingin siya ulit sakin. "Ah, sorry hindi ko pa pala naipapakila ang sarili ko. Ako ang girlfriend ni Kyst. Nandito ba siya?"







Nagtanong pa ako.







"Wala siya dito. At lilinawin ko lang, hindi ako katulong dito. Fiance niya ako. Kumuha ka ng tubig mag-isa mo, 'wag mo akong utusan."







Pinagtaasan niya ako ng kilay, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Oh, I feel bad! Walang sinabi ang boyfriend ko sakin eh. I only remember, he said he's not in a relationship. Well, hindi ko siya masisisi kung bakit hindi niya sinabi sakin na may fiance na pala siya. Sa itsura mong 'yan walang lalaking magiging proud sayo."







"Ano?"







"Subukan mong manalamin. You're a cheap, a rug. You have no class at all and you don't even wear an expensive clothes. Unlike me, all of my clothes and stuffs are limited edition."







Nang-iinsulto ba siya? Akala ba niya mamahalin siya ni Kyst dahil lang sa nagsusuot siya ng mga mamahaling kasuotan? Hindi niya 'yon ikinaganda.







Ang Kyst na nakilala ko, hindi 'yon tumitingin sa mga bagay na mayron ang isang tao.







"Kahit ganito ako maganda parin ako sa paningin ni Kyst. At bakit ko nasabi iyon? Dahil minahal niya ako kahit mukha akong basahan. Paano pa kaya kapag mag-ayos ako? Edi napag-iwanan ka."







"What?"







"I can do house chores and I can cooked for him as well. Kayang-kaya ko siyang pangitiin kahit wala akong ginagawa, napapasaya ko siya kahit hindi ko ibinibigay ang katawan ko. I do my duty as her partner, I never cheated on him and I will never be. Matalino din ako, maganda ang pagpapalaki sakin, marami akong kaibigan, at higit sa lahat mahal ko siya. Kahit kailan, at kahit ano pa ang gawin mo hindi mo mapapantayan ang pagmamahal ko sa kaniya, hindi mawawala sa akin 'yon. My love for him could last longer until my time end, what about you?"







Taas-noo pa ako habang sinasabi ang lintayang 'yon. That's what makes me proud. Kahit wala akong materyal na bagay na pwedeng ibigay kay Kyst, sobra naman ang pagmamahal ko sa kaniya.







Hindi ako naiinggit sa mga katulad ng babaeng kaharap ko dahil alam ko kung ano ang lamang ko sa kanila. I know my worth.







Winter In AutumnWhere stories live. Discover now