Kyst's POV
This is not upset, it's angry! Gusto kong magalit sa kaniya, gusto kong isigaw lahat ng nasa isip ko nang sa ganon maramdaman niya ang nararamdaman ko! Sa mga oras na ito, hinihiling ko na sana nandito siya sa harapan ko, gusto ko siyang sumbatan dahil tangina gusto kong mabawasan ang sakit na ipinaramdam niya sakin!
But ...
Maybe, I couldn't do that.
Hindi ko magagawa 'yon. Kahit anong galit pa ang nararamdamam ko, hindi ko siya magagawang sigawan. Hindi ko kaya. Hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko. Kung hindi ko lang siya ginago noon, baka hindi naging madali sa kaniya ang iwan ako.
It wasn't her fault but mine! I can't blame her, my fault made her run away from me.
Ang ikinasasama ng loob ko, bakit hindi manlang niya ako pinagpaliwanag? Basta nalang niya pinaniwalaan ang mga nakita niya. Kung totoo ngang nagtitiwala na siya sakin, sana manlang binigyan niya ako ng oras para maipaliwanag ang sarili ko. B-bakit hindi niya ginawa?
How about me? How about my feelings? How about my side? Ganon nalang ba ako kawalang halaga sa kaniya? Am I that unimportant to her para baliwalain ako at hindi pakinggan? Bakit ganon nalang niya ako kadaling iwan?
Was she just pressure coming back to me? Was everything just a sympathy?
I take some shots from my drink before picked up the gun that was under my pillow. I stared at it, I smiled bitterly. Itong baril ang ginamit ko para kitilin ang buhay ng babaeng naging dahilan kung bakit lumayo sakin si Leign. I killed Kelly.
Maybe, it's time for me to use it on myself.
Kapag nagpakamatay ako, maniniwala na ba siya sakin?
I pointed the gun on my head. I slowly closed my eyes, tears run down my face. Handa ko na sanang kalabitin ang gatilyo nang biglang may pumasok sa kwarto.
But I don't give him a damn gusto kong ituloy 'to.
"Shit, Kyst!"
I-i'm sorry, love.
*BANG!
***
Harry's POV
"What on earth are you doing, Kyst?!"
Halos masapok ko na ang gagong 'to dahil sa kalokohan niya. Wtf, he was about committing suicide! Jusko, buti nalang nagawan ko ng paraan, kung nahuli pa ako ng isang segundo, siguradong nasa morge na ang hinayupak na 'to!
"You punk! why did you stop me? Sana hinayaan mo nalang akong mamatay!"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong sapakin siya. Kailangan niyang mahimasmasan sa katarantadohan niya baka ano pa ang maisipan niya. Nagpipigil pa ako n'on, kung hindi lang ako naaawa sa sitwasyon niya hindi lang 'yan ang aabotin niya sakin, baka mag-asawang suntok pa ang ibinigay ko sa kaniya.
"Ayosin mo ang sirili mo, Kyst! Nasisiraan ka na!"
"Oo, nasisiraan na ako! Baliw na nga e!"
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Tangina, kikitilin mo ang buhay mo! Paano naman kaming maiiwan mo?"
"I care not! Para ano pa ang mabuhay kung wala sa tabi ko si Leign?"
Nabigla ako. "B-bro."
Kita ko kung paano magunaw ang mundo niya, nawawalan siya ng pag-asa.
"S-shes my life, that woman is my everything, Harry. Sabihin mo, paano na ako ngayon? Iniwan niya ako na hindi manlang pinakikinggan ang paliwanag ko."
Nakakaawa. Iba talaga kapag nagmahal ka, iba kapag tinamaan ka ng lintek na pag-ibig na 'yan. Maaari kang masiraan ng bait gaya ng taong 'to.
Grabe din ang tama niya sa babaeng 'yo —shit!
I almost bumped into him when he was about to picked up the gun. I quickly snatched it from him and threw it out on the window.
He glared at me. "Tangina! anong problema mo?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Gumising ka nga hindi na ikaw 'yan! 'yong Kyst na nakilala at kaibigan ko, walang inuurungan at hindi sumusuko! 'wag kang tanga, Kyst, 'wag kang duwag. Ipaglaban mo siya kung talagang mahal mo! 'wag kang susuko gaya ng kung paano ka niya hindi sukuan n'ong nagloloko ka sa kaniya. This is your chance to prove yourself, go and find her wherever she is."
Unti-unting nagbago ang reaksiyon ng mukha niya, para siyang nagising at natauhan sa mga sinabi ko. Mabuti naman kung ganon, dahil 'yon lang ang tanging maiaambag ko bilang kaibigan niya. And also, para hindi na siya magpakamatay.
Kapag nangyari 'yon, sisisihin ni Leign ang sarili niya.
"T-tama ka, I have to find her. Hindi niya ako sinukuan noon, kaya ganon din ang gagawin ko, I will do the exact revenge. I will get her back to me. "
Nakahinga ako ng maluwag. "God, finally you're back! Now, fix yourself coward. Imbis na magmukmok ka diyan, hanapin mo nalang siya sa ibang bansa."
Gulat siyang napatingin sakin. "Anong sabi mo? I-ibang bansa?"
"Oo. Nabalitaan kong lumuwas siya ng bansa para ituloy ang career niya."
"Bakit hindi mo pinigilan!"
Ay, tangina!
Hinawakan ko ang dibdib ko na parang nagulat. "Kasalanan ko? Baka late ko nang nalaman."
Gagong 'to, ako talaga ang sisisihin.
Napahilamos siya at makailang-beses na nagmura. Ang laki ng problema ng loko. But like what I've said n'ong nasa bar kami, sa oras na bumaliktad ang sitwasyon nila ni Leign, hinding-hindi ko siya tutulungan. Bahala siya sa buhay niya, siya naman may kagagawan niyan e. 'Wag ako idamay, problema nilang mag-fiance 'yan.
'Pwede bang 'wag mo 'tong sabihin sa kaniya? dahil kapag nalaman niya kung nasaan ako, baka pumunta siya at makiusap lang na bumalik ako. Masiyado akong nasaktan sa nangyari kaya kailangan ko munang maging makasarili. Maaasahan ba kita?'
Hays, kung hindi lang nakiusap si Leign sakin, sinabi ko na sa gagong 'to kung saan bansa siya nagta-trabaho e. Kaya lang mas inaalala ko ang sitwasyon ni Leign, sigurado akong siya ang nahihirapan sa kanilang dalawa. At isa pa sigurado akong babalikan niya ang taong 'to.
Sana lang hindi siya magtagal don.
— Hwaenna
YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino is a fiancé of Leign Cantabella for a few years-happy years-but for some reason their relationship has been getting worse and complicated. Kyst Trevino's rebellion makes her broken beyond repair; he has been making out with different wo...
