Chapter 31

1K 33 2
                                    


Leign's POV











Pagkamulat ng mga mata ko, tumambad sa'kin ang mukha ni Kyst. Gising pa siya at nakatitig lamang sa'kin. Napansin kong nag-iba na ang posisyon ko ngayon, nakahiga ang ulo ko sa braso niya.











Nginitian ko siya sa kabila ng antok na nararamdaman ko. "Anong oras na?"











"12 midnight," Sagot niya sa mahinang boses.











"Kung gan'on dalawang oras palang ang tulog ko." Bahagya siyang tumango. "Eh ikaw? Bakit gising ka pa?"











Hindi niya ako sinagot, tanging pagtitig lang ang ginawa niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.











Hinalikan niya ako sa noo at niyakap.











"Thank you," Bulong niya, ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.











Bahagya akong lumayo at tiningala siya. "Kyst."











Natigilan ako.











Umiiyak siya.











B-bakit?











"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na katabi kita sa oras na 'to. Matagal tayong nagkahiwalay, parang kailan lang pinangarap kong makasama ka, pero ngayon, nandito kana sa tabi ko at kayakap pa. Thank you, Leign."











*Tsup











I kissed him.











I smiled.












"Wala kang dapat ipagpasalamat, you deserve that love. Kahit ano pa ang pagkakamaling nagawa mo, handa ko 'yong kalimutan para sa'yo. Pero sana huli na 'to, Kyst, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag sinaktan mo ulit ako."











We hugged each other. Kumbinsido akong nangulila kaming dalawa dahil sa paraan ng pagkakayakap namin, sobrang higpit at tila wala nang planong pakawalan ang isa't-isa.











"Matulog kana, babantayan kita," Sabi ko.











Humigpit ang yakap niya. "I don't want to, baka paggising ko bukas, wala ka na."











"Bakit ko naman gagawin 'yon? Kyst, tama na ang pag-iisip ng ganyan, matulog kana."











Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. "Kahit gustohin ko, hindi ko kaya. Na-trauma ako sa ginawa mo, natatakot ako baka panaginip lang 'to at bukas pagkagising ko wala ka na sa tabi ko."












"Kyst, tama na. Sinasabi ko, bukas na bukas, pagkamulat ng mga mata mo, nasa tabi mo ako."











"Pero — "











Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Shh! Awat na. 'Wag na mag-isip ng kung ano-ano."











Huminga siya ng malalim. "Fine. Basta mangako ka sa'kin na ikaw makikita ko pagkagising ko bukas."











Winter In AutumnWhere stories live. Discover now