Chapter 06

1.1K 49 3
                                        


Leign's POV












"Kyst, ito kape oh." Inilapag ko ang ang coffee sa study table niya. Abala si Kyst habang may tina-type sa laptop niya.















"Thank you." Uminom siya nang kunti at ibinalik niya agad. Kahit hindi niya sabihin alam kong nagustohan niya ang timpla ko. Ngumiti siya pero binawi naman niya agad.











"Nga pala Kyst, may gagawin ka mamaya?" Tanong ko.















Hindi niya ako sinagot. Bigla siyang tumayo at kinuha ang coat niya. Nagmamadali siyang umalis kaya hinarang ko na ang sarili ko bago paman siya makalapit sa pinto.













Masama niya akong tiningnan. "Anong ginagawa mo?"












"Kyst, sagutin mo muna ang tanong ko. May gagawin ka ba mamaya? Nakita ko sa schedule mo wala kang pasok ngayon at wala ka ring meeting."












"So what?"












"P-pwede bang 'wag kang umalis? Mag-date tayo." Nagpilit ako ng ngiti.















Tumaas ang kilay niya at may nakaka-insultong ngiti. "Mag-date?"














Tumango ako. "Mhm, p-pwede ba?"











Please pumayag ka.











Bigla na lamang siyang tumawa. "Ikaw hihingi ng date sa'kin? Sino ka nga ulit?"












"K-kyst."










"Saan naman tayo magd-date? May pera ka ba? Baka mamaya ako ang gumastos sa date natin."













Pinilit kong hindi maiyak. "A-ako naman ang gagastos e. Siguro hindi kita madadala sa mamahaling lugar pero hindi naman importante 'yon, Kyst  . . . Ang mahalaga magkasama tayo, diba? S-sige na pumayag kanang mag-date tayo. Dati kasi n'ong nagsisimula palang tayo sinabi ko sa'yo sa oras na dumating na ang 45th monthsarry natin, ako ang sasagot sa date natin  . . . Today is our 45th monthsarry."













Kumunot ang noo niya. "It's our what?"












Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Nakalimutan niya. "W-wala ka bang natatandaan?"












"Wala akong maalala."












"K-kyst —"







He cut me off. "Importante ba 'yon?Mag-isip ka nga, Leign. Naghihikapos kana nga sa pera ang dami mo pang arte. Maawa ka naman sa sarili mo. Siguro kung nandito lang ang mga magulang mo mahihirapan sila sa'yo!"












Napakuyom ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. "'W-wag mo namang idamay ang mga magulang ko dito."












"That's a fact  . . . If I were you, I would rather save my money than being a burden to other people." Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon, tinabig niya nang may pwersa dahilan para maalis ako sa pagkakaharang sa pinto.









Winter In AutumnWhere stories live. Discover now