Chapter 11

1K 43 3
                                        


Leign's POV










Another year of my existence and supposed to be filled with laughter and gives me many good memories with him, but eventually it's not. It seems I'm gonna celebrate this day all alone and no one will go with me and wishing me a great day.










Panibagong kaarawan ko na naman ang nilampasan niya.










Noong nakaraang taon, pinalampas ko ang paglimot niya sa kaarawan ko dahil nasa isang business trip sila kasama ang pamilya niya. Pero bakit ngayon mas inuna pa niya ang iba kaysa sa akin? Hindi manlang niya ako binati.










Sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin kung saan-saan na ako dinala ng mga paa ko. Basta nalang ako napahinto nang makita ko ang isang restaurant sa harapan ko. Mukhang mamahalin at bagong bukas lang dahil may opening na nakalagay. May nakikita rin akong mga tao sa loob. Maraming tao.










Wala sana akong balak pumasok dahil pakiramdam ko mabubutas bulsa ko kapag kumain ako dito sa resto kaso naamoy ko ang mga putaheng niluluto nila.










Ang bango.










Hindi problema sa'kin ang presyo ng menu nila dahil pinag-ipunan ko naman ang araw na ito. Akala ko kasi pagbibigyan ako ni Kyst. Mukhang ako lang mag-isa ang kakain pero mas maganda sana kung kasama siya para romantic naman. Ang kaso may iba siyang inatupag.










Pagkapasok ko, namangha ako sa ganda ng interior design nila. Pang yayamanin talaga. Halatang sosyalin at mayaman ang may-ari nito. At parang hindi afford ng mga naghihirap na katulad ko.










Hindi kaya ako mamulubi nito?










Bahala na, birthday ko naman e. Once in a year lang ito. I deserve it! You only live once, Leign!










"Table for one ma'am?" tanong sa'kin ng isang waitress. Pati waitress nila parang yayamanin din dahil mala-porselanang balat at paresan pa ng mamahaling hikaw.










Tumango ako. "Yes, please."










She assisted me to an empty table that good for one person.










"Have you been here before, or is this your first time ma'am?" Tanong niya pagkaupo ko.










"This is the first time,"  Sagot ko at binigyan niya ako ng menu.










Halos mapanganga ako sa presyo ng mga pagkain nila. Kulang nalang magmura ako sa kinauupuan ko. Nakakalula! Sobrang mahal — as in! Pang-ilang linggong budget ko na 'to n'ong nag-aaral pa ako. Mabubusog pa ba ako nito?










"Can I get you started with some drinks or appetizer while you look at the menu?" Tanong niya ulit sa'kin.









"I'll have a glass of wine and some appetizer," Sagot ko at pilit na ngumiti.










Balak ko sanang umalis nalang at hindi na dito kumain kaso nakakahiya. At isa pa, nilagyan na niya ng wine ang baso ko at may inilapag pa siyang appetizer.










Winter In AutumnWhere stories live. Discover now