Chapter 12

1.1K 45 16
                                    


Leign's POV





"Nasa labas na ako, Kyst. Nag-aabang nalang ng taxi." Tumingin ako kaliwa't-kanan para maghanap ng masasakyang taxi. Kailangan ko nang umuwi sa bahay dahil malapit nang magtakip-silim. At ito namang isa tawag nang tawag minamadali akong umuwi.




[ "Don't hang up the phone until you got a taxi. And one more thing, i-text mo sa'kin ang plate number ng sasakyan mo in case na may mangyari sa'yo madali kitang mahahanap." ]




Bakit parang nag-aalala siya sa'kin?





Ngumiti ako sa naiisip ko. "Sige. Susundin ko lahat ng sinabi mo."





[ "Hurry up. Masama sa'yo kung nasa labas ka pa." ]





Kung manermon siya daig pa niya ang tatay ko. Eh ano naman kung nasa labas pa ako ng ganitong oras? Kasalanan ko ba kung walang dumadaang taxi dito? Palibhasa kasi lahat ng mga customer dito may kaniya-kaniyang service. Nanliit tuloy ako sa sarili ko.





Pero . . .





Hindi ko maikakaila na natutuwa ako dahil sinesermonan ako ni Kyst. Sa lahat ng sermon na natatanggap ko sa iba, sa kaniya lang 'yong masarap sa tenga. Nararamdaman ko kasi ang pag-aalala niya kahit tunog galit siya.





Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng . . .




Teka, 'yong kwentas ko! Nawawala kwentas ko!




Taranta kong kinapa ang buong katawan ko. Tiningnan ko ang sahig na kinatatayuan ko at nagbabakasakaling mahanap ko 'yong kwentas pero wala. Hindi ko mahanap.





[ " Hey, still there? Sagotin mo ako, Leign! " ] Sigaw ni Kyst. Nakalimutan kong kausap ko pa pala siya.






"T-teka . . . Kyst papatayin ko muna nawawala kwentas ko e." Naiiyak na ako.





[ "Ano?! Nakisabay pa talaga 'yan? Saan mo ba nilagay? Burara ka talaga!" ]






Hindi sermon ang kailangan ko, Kyst.





Hindi ko na siya sinagot, pinatay ko ang tawag.





Saan ko ba nahulog 'yon?




Paano na? Kung kanina pa nawala ang kwentas ko bago pa ako makapunta dito sa resto, baka may nakapulot na n'on. Pa'no kung nahulog ko 'yon habang naglalakad ako?





Ang malas ko naman ngayon kung kailan birthday ko. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na 'to, ni hindi ko nga alam kung saan sa mapa to e. Tapos malapit nang dumilim at hindi ko na makita ang daan. Mahihirapan akong maghan —






*BLAG !!





"A-aray!" Bigla akong sumalampak sa sahig. Sa sobrang lakas halos masubsob na ang mukha ko sa semento. Naramdaman ko ang pagsakit ng balakang at siko ko. Parang nabalian yata ako.






"Naku, sorry sorry! O-okay ka lang? Meron bang masakit sa'yo?" Tanong ng isang lalaki na kakababa lang ng kotse niya.





Taranta niyang tiningnan ang kabuoan ko at paulit-ulit siyang napamura nang makita niya ang galos sa siko ko. Argh, nag-iisip ba siya? Tinanong ba naman kung okay lang ako matapos akong maatrasan ng kotse niya.





Winter In AutumnWhere stories live. Discover now