Chapter 50

820 21 3
                                    


Leign's POV






"Nasaan ako? Anong lugar ito?"






Napakaaliwalas ng lugar, napakaliwanag. Pero hindi ko maramdaman ang init ng araw. Napakaganda ng paligid, para itong paraiso sa mundo.






May mga mabeberdeng puno, sumasayaw na bulaklak na tila sumasabay sa ihip ng hangin, at napakatahimik ng paligid, ngunit wala akong nakikitang tao. At isang bagay pa ang pinagtataka ko, bakit hindi ko maramdaman ang sarili ko? Hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa lupang kinatatayuan ko.






Nagugulohan ako, patay na ba ako?






Nilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa maaninag ko ang isang tao sa hindi kalayuan. Isang lalaki. Nakatayo at nakatalikod ito.






Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang imahe niya, kaparehong-kapareho sa isang taong kakilala ko. Ang buhok niya, ang katawan niya, maging ang tindig niya ay tumutugma sa taong 'yon.






"K-kyst?" sambit ko.






Dahan-dahan akong naglakad para lapitan siya. Bawat paghakbang ng mga paa ko, habang umiiksi ang distansiya naming dalawa ay siya namang pagwawala ng puso ko. Kabisado ko parin ang presensiya niya kaya sigurado akong siya ang lalaking 'yon.






"Kyst," tawag ko sa kaniya nang tuluyan na akong makalapit.






Bahagya siyang lumingon kaya mabilis kong nakompirma na siya ang kaharap ko. Kaharap ko ngayon si Kyst, si Kyst na minsan ko nang minahal.






Tuluyan na niya akong hinarap. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya - ang ngiti na matagal ko nang hindi nakikita. Napakaamo ng mukha niya at walang makikitang kapintasan.






"Leign," sambit niya sa pangalan ko. Ang mga mata niya, parang kumikinang sa kasiyahan.






Winter In AutumnWhere stories live. Discover now