Leign's POV"Calvin?" tawag ko sa kaniya. Nakapahinga ang ulo ko sa balikat niya habang ang mga braso ko ay nakayakap sa bewang niya.
"Hmm?"
"Nagsisisi ka ba?" tanong ko.
Naramdaman kong nilingon niya ako, hinarap ko siya.
"Nagsisisi saan?" kunot-noong tanong niya.
Umiwas ako ng tingin, sinandal ko ulit ang ulo ko at tumingala sa kalangitan. Halos maghahating-gabi na kaya sobrang maliwanag na ang buwan, at nararamdaman ko na rin ang pag-ihip ng malamig na hangin sa balat ko.
Mapait akong ngumiti. "Nang dahil sakin masama ngayon ang loob nila tita sayo, at maaring masira ang relasiyon niyo ni Kyst. Nang dahil sakin masisira ang relasyon mo sa kanila lalo na sa kapatid mo."
Tinitigan niya ako, at ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "'Yon ba ang dahilan kaya ka tahimik kanina?" hindi ako sumagot, ngumiti siya. "Hindi ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang relasiyon namin ng kapatid ko. Nangyari 'yon n'ong hindi ka pa dumarating sa buhay namin, hindi mo kailangang makonsensiya. At isa pa, kung sakaling totoo man 'yang sinasabi mo, Leign, wala akong pakialam, mas mahalaga ka kesa sa pamilya ko."
Sinasabi mo lang 'yan para hindi sumama ang loob ko.
"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo. Sa loob ng walong taon na kasama kita, kaya ko nang basahin ang kilos mo kaya hindi mo magagawang itago sakin ang saloobin mo. Alam kong napatawad mo na ang kapatid mo pero pilit mong tinatago 'yon, gusto mong magkaayos kayo pero hindi mo alam kung paano sisimulan. Kaya ako nakokonsensiya ng ganito dahil magkakaroon na naman kayo ng panibagong dahilan para magkasira ulit."
Hindi na siya nagsalita, nag-iwas siya ng tingin. Kilala ko siya, kapag tama ang sinasabi ng isang tao, natatahimik siya bigla. Kung ganon, tama lahat ng mga sinabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Sa lahat ng sinabi mo, sa isang bagay lang ako hindi sang-ayon, hindi ikaw ang dahilan." ngumiti siya. "Leign, maraming beses ko nang sinabi 'to pero hayaan mong ipapaalala ko ulit sayo. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid natin dahil ikaw lang ang inaalala ko. Handa 'kong itapon ang ugnayan ko sa kanila kahit na anong oras na gustohin ko basta para sayo, dahil ikaw ang buhay ko, ikaw na ang pamilya ko."
"C-calvin." hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.
He caresses my cheek. "Sa oras na ikasal na tayo, wala na silang masasabi satin. Aalis tayo at maninirahan sa Hong Kong para sa magiging pamilya natin. There we will raise our children and will make a lot of memories with them. I can’t wait to start a family with you. I know you will be a great mom." he kissed me. "Pangako, magiging mabuting asawa at ama ako."
Sandali kaming nagtitigan hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa batok ko. Unti-unti niyang pinaglalapit ang mukha namin para mangyari ang isang bagay. Napapikit ako hanggang sa maramdaman kong tumama ang labi ko sa kaniya, and we kissed.
Everything is great until I feel someone's watching us. Bumitaw ako na ikinataka niya.
"What's the problem?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/297311551-288-k511053.jpg)
YOU ARE READING
Winter In Autumn
AcakKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...