Chapter 30

1.1K 36 11
                                    


Leign's POV









Wala na ba akong nakalimutan?









Inisa-isa ko ang mga gamit sa loob ng maleta ko para siguradohing wala akong naiwan. Balak ko nang lumipat ng apartment. Ilang buwan nalang tutuloy na ako sa ibang bansa para doon magtrabaho at ipagpatuloy ang pangarap ko.









At para narin lumayo sa kaniya.









Napabuntong-hininga ako at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may bagong message mula kay Kyst, pero wala, ni isa.









Kamusta na kaya siya? Malamang hindi siya okay. Pagkatapos ng gabing tinawagan niya ako, hindi na 'yon nasundan pa. Siguro masiyado siyang nasaktan sa mga sinabi ko. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya ng mga oras na 'yon. Hindi ko rin alam kung tama pa bang nag-uusap kami dahil pinutol ko na ang ugnayan namin sa isa't-isa.











Naputol ang iniisip ko nang biglang may kumatok sa pinto. Bumukas 'yon at pumasok ang landlady ng tinitirahan kong apartment.











"Leign, pwede kang maka-usap?" Nag-aalangang tanong niya.











Ngumiti ako. "Ano 'yon?"











Napatingin siya sa maleta ko. "Aalis kana talaga. Namamahalan ka ba sa renta ko dito?"











Natawa ako. "Ate naman. May nahanap lang ako na mas malapit sa trabaho ko."











Nagtaka ang itsura niya. "Akala ko wala ka nang trabaho?"










"Nag-apply ulit ako, sa iba nga lang. Akala ko kasi hindi na aabotin ng linggo ang alis ko kaya naisipan kong mag-resign sa dating pinapasukan ko, kaya lang aabotin pa daw ng isang buwan. Ayokong maghintay nalang at tumunganga, wala akong kakainin, " Sabi ko at natawa siya.











"Kung sabagay. Nga pala, hindi 'yon ang sinadya ko... " Hinintay ko ang sasabihin niya, ngumiti siya sa'kin. "May gustong kumausap sa'yo. Hinihintay ka niya sa baba."












Taka ko siyang tiningnan. "S-sino?"











Hindi niya ako sinagot.











H-hindi kaya. . .







Kinakabahan ako habang pababa kami ng hagdan. Paano kung si Kyst ang nandito? Anong gagawin ko?











"Leign." Tawag ng kung sino sa'kin pagbaba ko.











Laking gulat ko nang makita ko si tita. Ang mama ni Kyst. Bakit siya nandito? At paano niya nalaman kung saan ako nakatira?











Sinalubong niya ako ng yakap, gulat man ay niyakap ko rin siya. Kahit na galit ako sa anak niya, hindi magbabago ang tingin ko kay tita. Mabuti ang ipinakita niya sa'kin sa kabila ng estado ko sa buhay. Itinuring niya ako na parang tunay niyang anak.











"Tita, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.











Sa paraan ng pagtingin niya, nasisiguro kong alam na niya ang tungkol samin ni Kyst. Apektado rin siya sa paghihiwalay namin.











Winter In AutumnWhere stories live. Discover now