Chapter 27

1.1K 39 3
                                        


Kyst's POV








10:00 am.









Tinungga ko ang natitirang alak sa baso at naramdaman ko ang pagguhit ng likido sa lalamunan ko. This is my second bottle this morning. My fist clenched, I let out a breath after. I've been waiting for her for a few hours but she hasn't come back yet. Kagabe pa ako hindi umaalis dito sa sala para salubungin siya. And now, naabutan na ako ng umaga pero hindi pa run siya nakakauwi.









What the hell, Leign.








Hindi siya nagpaalam sa'kin kagabi kung saan siya pupunta. Basta paggising ko nang umaga wala na siya sa tabi ko. Even just a note wala siyang iniwan.










Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ulit ang number niya but hindi siya sumasagot. Nakapatay ang phone. Huminga ako ng malalim bago ulitin ang tawag. Wala talaga. Hindi ko alam kung sinadya niyang patayin o talagang dead batt lang.











Ayaw niya yatang makaistorbo ako sa kanila. I can surely believe she's with that asshole again.











Damn that guy! How dare he take advantage of our situation! Sinasamantala niya ang pagkakataon habang nasisira ang relasiyon namin ni Leign. I knew it! May pagtingin siya sa fiance ko. Lalaki ako kaya alam ko ang mga galawan niya.











Napasabunot ako dahil sa naiisip ko. I no longer knew what should I do lalo na ngayon may ume-eksena sa relasiyon namin. He's a threat! That asshole is a fucking threat in our life. Nakakabanas! Pa'no kung magkasama sila magdamag? Pa'no kung nagkakamabutihan na sila — no, what the hell, Kyst? Hindi 'yon magagawa ni Leign.











Tangina, ano ba itong naiisip ko? Kahit na galit 'yon sa'kin alam kong hindi niya magagawa 'yon. Hindi niya ako lolokohin. Hindi ganong babae si Leign. Panghahawakan ko ang pangako niya sa'kin na hindi niya ako ipagpapalit kahit na kanino.










Damn this overthinking! Ayokong mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan. Naiisip ko na magkasama sila ng lalaking 'yon at kung ano-ano na ang ginagawa nila. May tiwala ako kay Leign pero sa gagong 'yon wala! Alam kong pasimple niyang pinopormahan ang fiance ko. Kaasar, wala akong magawa.


































Leign's POV




Pagpasok ko palang ng bahay, naramdaman ko na agad ang magaspang na hangin na bumabalot sa loob. Nakita kong lumalagok ng alak si Kyst, napansin ko ang ilang basag na bote sa harapan niya. May nakita rin akong mga basag na vase at magulong gamit na tila nagwala siya kanina.










Halimaw talaga.











Nagpapakalasing na naman siya, malamang ay dahil sa'kin. Ang laki ng problema niya.











Ito ang unang beses na hindi ako umuwi ng bahay dahil nabalitaan kong babalik na ang mama ko sa ibang bansa kasama ang bago niyang pamilya. Nagkaroon lang ng munting salo-salo kasama ang bagong asawa niya at mga anak nila. Nalasing ako kaya hindi ko na siya nagawang tawagan.











Hindi ko na pinansin ang mga nakita ko. Napagdesisyonan ko nalang tumungo sa kwarto para magpahinga.










"Where have you been?"












Natigilan ako dahil sa malamig na boses niya. Hinarap ko siya, kita ko ang pamumugto ng mga mata niya na parang kanina pa siya umiiyak.











"Galing lang ako kina mama," Maikling sagot ko at tinitigan din siya.












Peke siyang natawa. "Are you sure? D'on ka ba talaga nagpunta? Baka nakakalimutan mong may fiance ka pang dapat uwian!"











Masama ko siyang tiningnan. Alam ko kung ano ang nasa isip niya at hindi ako natutuwa d'on.










"Ano na naman ang gusto mong mangyari, Kyst? Magsusumbatan na naman ba tayo? Pwede ba, 'wag mo muna akong simulan. Pagod ako."











Aalis na sana ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa braso. Napadaing ako sa sakit.










"A-ano ba? Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ko.











"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka nagsabi sa'kin ng totoo! Just answer the damn question! Saan ka ba talaga nagpunta, ha? Anong ginawa mo at pagod ka ngayon? Baka naman magkasama kayo ng lalaki mo tapos may nangyari na sa inyo!"












Biglang nagbagting ang tenga ko sa sinabi niya. "A-ano?"










"Akala mo ba hindi ko alam? Tangina, Leign, hindi ako bobo para hindi ko malaman na may gusto sa'yo ang gagong 'yon! Ano, siya na ba ang ipinalit mo sa'kin? Dahil ba sa kaniya kaya ka nanlalamig? What, lumalandi kana? Nakikipaglandian kana sa ib—"











*PAK!!











Nasampal ko siya.











Hindi ko na kinaya ang mga lumabas sa bibig niya. Nasagad na niya ang pasensiya ko. Sobra na, sumusobra na siya!










Unti-unti siyang humarap sa'kin at parang nahimasmasan sa ginawa ko. Gulat at pagsisisi ang rumihestro sa mukha niya.











"L-leign." Unti-unti niyang binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.











"Ang kapal ng mukha mo, Kyst! Ang kapal kapal ng mukha mo! Ang lakas ng loob mong pagbintangan ako kahit na alam naman nating dalawa kung sino ang may kalandian dito!" Biglang may tumulong luha sa mata ko, nasasaktan akong tumingin sa kaniya. Dinuro ko siya. "K-kahit kailan hindi mo narinig sa'kin ang mga salitang 'yan n'ong nagloko ka! Pikit-mata kitang inintindi dahil alam kong may pagkukulang ako sa'yo pero may pagkukulang ka rin sa'kin, Kyst! Pero alam mo kung ano ang pinagkaiba natin? Kahit kailan hindi ko hinanap sa iba ang pagkukulang mo! Minahal kita kahit nasasaktan na ako. Minahal pa rin kita sa kabila sa pang-aapak mo sa pagkatao ko. Pinalampas ko ang panghahamak mo sa'kin! K-kyst nagpakumbaba ako — nilunok ko lahat ng mga masasakit na salita galing sa'yo pero ang tawagin mo akong malandi? Ibang usapan na 'yon."










Taranta niya akong nilapitan. He held my hands trembly.










"S-shit. I-i'm sorry — I didn't mean to say that, please!" Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko, nagmamakaawa ang mga mata niya. "L-lasing lang ako, magulo ang isip ko kaya ko nasabi ang bagay na 'yon. P-please, patawarin mo ako hindi ko sinasadya. I didn't mean any of the harsh words I said earlier. I have been careful of my words. N-natakot lang ako dahil napapalapit ka na sa taong 'yon." He hugged me. I feel the scare from it.











Kumalas ako, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Umalis ka muna, ayaw kitang makita."











Hindi niya sinunod ang utos ko at hindi manlang gumalaw. Puno ng pagsusumamo at pagmamakaawa ang mga mata niya.











Pero may na-realize ako . . .











"Ah, nakalimutan ko. Bakit nga pala kita pinapaalis e bahay mo naman 'to? Kung may aalis man dito, dapat ako 'yon, di ba? . . . Tama ako ang dapat na umalis."







——————————————————————————————————————————————

Winter In AutumnWhere stories live. Discover now