Leign's POV
Palakad-lakad ako habang kaharap ang cellphone ko. Sa kabila nang panginginig na mga kamay ko sinikap ko pa ring magpadala ng message kay Kyst.
Nag-aalala na ako.
Malakas ang kabog ng dibdib ko, hindi ako mapakali. Malalim na ang gabi pero hindi pa siya nakakauwi. Kadalasan kasi mas maaga pa sa working hours ang uwi niya at hindi siya naaabutan ng ganitong oras sa labas pero ngayon —
"Kyst, magreply ka naman kahit isang beses lang. Gusto kong malaman kung okay ka." Napasuklay na ako at naiiyak na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Napatingin ako sa wall clock. 9:38pm . Sa pagpatak ng bawat segundo, nadadagdagan ang kaba ko. Dapat kanina pa siya nandito e. Ang dami tuloy tanong sa isip ko. Nasaan na kaya siya? Okay lang ba siya? Sana walang nangyaring masama sa kaniya. Tawagan ko na kaya ang mga pulis.
Tumakbo ako papuntang kwarto at nagsuot ng hoddie. Hindi ko na kayang maghintay pa dito baka napano na siya.
Aalis na sana ako para hanapin siya nang biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Siya na 'to!
Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko siya. Salamat, nandito na siya.
Sinalubong ko siya ng may ngiti sa labi ko. Nawalan na ako ng alalahanin dahil nakabalik na siya ng ligtas.
"Kyst, bakit ngayon ka lang? A-ayos kalang ba?" Sinuri ko ang kabuoan niya. Wala akong nakitang sugat o pasa o kung ano pa man maliban lang sa amoy niya.
Amoy alak siya.
Bigla akong natigilan sa nakita ko sa leeg niya. Ang dami niyang marka. Pati kwelyo niya may lipstick din. Hindi rin makakaligtas sa'kin ang kumapit na pabango sa damit niya. Perfume ng babae. Galing na naman siya sa club.
Kung ganon nag-alala lang ako sa wala.
"Don't block my way woman!" Tinabig niya ako sa daraanan niya at lasing na naglakad. Naikuyom ko ang kamao ko.
Halos mamatay na ako sa pag-aalala sa kaniya, 'yon pala nagpapakasaya siya kasama ng mga babae? Nag over react na ako kanina at halos sasabog na ang puso ko sa kaba tapos—
Napapikit ako at huminga ng malalim.
Magpigil ka, Leign, lasing lang siya kaya palampasin mo na.
YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino is a fiancé of Leign Cantabella for a few years-happy years-but for some reason their relationship has been getting worse and complicated. Kyst Trevino's rebellion makes her broken beyond repair; he has been making out with different wo...
