Leign's POV"Upo ka." utos ko kay Calvin pagkapasok niya. Inilapag niya ang mga dala niya sa mesa dito sa sala. Umupo ako sa tapat niya. Puno ng pagsusumamo ang mukha niya ngayon at halata sa mata niya na umiyak siya mula pa kagabe.
Nakakaawa naman.
"Leign, please mag-usap tayo — look, I'm sorry dahil hindi ko sinabi sayo na magkapatid kami ni Kyst, sorry dahil naglihim ako. Sadyang pinangunahan lang ako ng kaduwagan ko, natatakot ako sa pwedeng mangyari."
Ganyan nga Calvin matakot ka sakin, hindi 'yong ako nalang lagi ang natatakot sayo kapag may naiisip kang trip sakin. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito makabawi manlang. At isa pa, nasaktan ako sa ginawa niya — aba, dapat give and take lang kaming dalawa.
Mapagtripan nga 'to.
Pinanatili kong seryoso ang mukha ko at nagkunwaring galit parin sa kaniya.
"Anong ine-expect mong mangyayari para matakot ka ng ganyan?" taas-kilay kong tanong habang magka-crossed ang mga braso ko.
I'm sorry, Calvin. Babawi nalang ako matapos nito.
"Ang iwan mo ako. N-natatakot akong iwanan mo ako once na malaman mong magkapatid kami ni Kyst." lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. "Please, 'wag mong tingnan ang ugnayan namin ng taong 'yon dahil kaya ko 'yong itapon kahit na anong oras na gustohin ko para sayo. It's you more than anything else."
Sa katunayan gustong-gusto ko nang itigil ang pagkukunwari kong 'to dahil nakakaawa na siya. Hindi ko siya matiis, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan. Ang totoo, hindi na ako galit sa kaniya dahil naiintindihan ko naman siya. Sadyang nabigla lang ako sa nalaman ko. Kahit ako ang nasa kalagayan niya baka 'yon din ang gawin ko.
Kaya lang nag-eenjoy pa ako.
Bumuntong-hininga ako at tumayo. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Tumayo siya. "Leign, please 'wag mo akong iwasan. Alam kong galit ka pa sakin, naiintindihan kita. Please hayaan mo akong bumawi."
Relax, Leign, 'wag kang marupok.
Humarap ako sa kaniya na hindi binabago ang expression ko. Kita kong malapit na siyang maiyak at parang nagmamakaawa sakin mga mata niya. Para siyang kawawang aso. Cute na aso.
"Kahit ano gagawin mo?" tanong ko.
Mabilis siyang tumango. "Yes, yes! anything."
Binawi ko ang kamay ko. "O sige. Maghiwalay na tayo."
Nabigla siya sa sinabi ko kaya hindi nagawang makapagsalita. Malapit-lapit na siyang umiyak, may sumisilip na likido sa gilid ng mga mata niya.
Patawarin niya sana ako.
"W-what?"
Let's continue, "Ayoko na, maghiwalay na tayo."
"A-are you kidding me?"
YOU ARE READING
Winter In Autumn
AcakKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...